Kris bagsak ang katawan, atras muna sa pasabog: Inakalang handa na akong magsalita, pero…
Makalipas ang isang linggong pananahimik sa social media, naglitanya na nga si Kris hinggil sa nararamdaman niya ngayon at kung bakit mas pinili niyang huwag munang sagutin ang mga isyung kinasasangkutan.
Nangako kasi siya sa kanyang fans at socmed followers na may mahalaga siyang sasabihin matapos ang pambu-bully sa dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby.
Ngunit ayon sa Queen of All Media hindi pa siya emotionally ready, “I have learned na habang may pinagdadaanan to shut down all my platforms para hindi magkamali. I am human.
“From before my birthday up to tonight [there have been] professional and personal unresolved matters of the heart, and attacks on my family — specifically my children — have hurt and angered me. In fact, I am still in the process of healing,” sabi pa ni Kris sa isang IG video clip na ibinahagi niya sa IG.
Dagdag pa niya, “Inakala ko handa na akong magsalita bukas, ready na ang production team ko. Pero habang emotional pa ako, alam kong kahit anong pag-iingat ang gawin nila sa editing — I am too transparent.
“Masyadong matagal n’yo na akong kilala. So regardless of what I say, you will be able to read between the lines and you will figure out the names I have tried so hard to avoid uttering. Nagtiis na for more than 1 month,” dugtong pa ng award-winning TV host.
At sabi nga ni Kris, nang dahil sa sunud-sunod panglalait at pambabastos sa pamilya niya ay namayat na naman siya tulad sa, “level noong timbang when I first sought treatment for my autoimmune issues in Singapore.”
Mensahe pa ni Tetay sa kanyang mga tagasuporta, “When I do face you, it will be on my terms.
“When I am fully prepared for whatever consequences my words may carry. Until then, kailangan malaman n’yo how much I have missed all of you.
“Hindi ako nakasal sa tamang paraan — the vows: I take thee to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, ’til death do us part — in my heart, para sa inyo ‘yan.
“And in my countless ways, pinaramdam n’yo na ganyan din kayo sa ‘kin. Kaya sana walang iwanan. Konting hintayan lang,” aniya pa.
Bago lumabas ang nasabing video, isang cryptic post muna ang ipinost ni Kris sa IG na nagsasabing, “It’s time to share my story and my truth. See you this weekend.
“I still don’t look healthy enough. Since we’ve waited to reunite, I owe you to be at my physical and emotional best.”