Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa 'Eat Bulaga', super grateful sa programa | Bandera

Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

Therese Arceo |March 22,2023
facebook
share this

Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

Therese Arceo - March 22, 2023 - 04:31 PM

Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa 'Eat Bulaga', super grateful sa programa
NAGSALITA na ang Kapuso actor na si Alden Richards patungkol sa kanyang pagkawala sa longest running noontime show na “Eat Bulaga”.

Sa isang video na in-upload sa YouTube channel ng “Eat Bulaga” ay isa-isang sinagot ng aktor ang mga komento sa kanya ng mga Dabarkads matapos ang kanyang muling pagbabalik sa programa.

Halos isang linggo na rin buhat nang nagbalik si Alden sa noontime show matapos ang matagal nitong pagkawala at hindi nito naiwasan maging emosyonal sa pagbabaliktanaw ng kanyang naging journey sa programa.

“Si Ma’am Allan ‘yung nagtanong sa akin nu’n, kahit anong mangyari, kahit saan ako makarating, Eat Bulaga will always be here for me. This is my second permanent home,” pagbabahagi ni Alden.

Pagkukwento niya, sobrang saya niya raw noon nang malaman niyang magiging isa na siya sa mga regular hosts dahil nagsimula lang naman siya as guest host ng programa at lumalabas tueing Sabado.

“Di ba kapag may ganoon, pag may mga moments kang nagugulat parang hindi mo agad siya unang maririnig sa isang sabi? Yung noontime show na kinalakihan ko and kasama ang family ko, kinukuha ako as regular host, aba! Yung nga ang tinatawag na dream come true natin dyan, mga sir!” sey ni Alden.

Halos eight years na rin siyang naging parte ng programa at kadikit na raw niya ang pangalan nito kaya naman hindi niya mapigilang maging emosyonal sa kanyang pagbabalik matapos ang isang taon.

Baka Bet Mo: Alden Richards naghahanap ng girl na may ‘big brain’: Kung ikaw lang ang nag-iisip at dumidiskarte sa relasyon parang solo ka lang din

“Yung yakap ng mga dabarkads sa akin kanina, nandoon ‘yung parang…parang ang sarap lang sa pakiramdam na ‘Ay, na-miss ka pala nila’. Sila ‘yung perfect definition ng family na kahit sobrang tagal n’yong hindi nag-usap or sobrang tagal n’yong hindi magkasama physically, walang nagbago,” teary-eyed na sabi ni Alden.

Pag-amin niya, malaking tulong rin ang “Eat Bulaga” sa kung ano mang career ang mayroon siya ngayon.

“Having Eat Bulaga has secured a lot of aspects in my life. Of course, career-wise, ‘yung visibility. And since it’s an everyday paying job, ‘yung pang-araw araw din nasu-sustain ‘yung buhay ko, of course ‘yung pangangailangan ko and also my family,” amin ni Alden.

Sinagot rin niya ang naging dahilan kung bakit nga ba siya pansamantalang nawala sa programa dahil napakarami nang nagtatanong kung kailan siya babalik.

“Explain ko na rin ano ba talaga ang nangyari. Last year, nag-pile up ang mga projects na gagawin ko last year. Nagtayo ako ng sariling production. Sinolidify ko muna ang foundation ‘nun,” lahad ni Alden.

Pagpapatuloy pa niya, “Ayaw ko kasi na bumalik sa Eat Bulaga tapos paisa-isa lang. Gusto ko pag bumalik ako, committed ako, kahit hindi man everyday basta at least hindi ako mawawala in a week. So inayos ko muna ‘yun para pagbalik ko dito at least buo akong haharap sa mga dabarkads being a host of the show.”

At ngayon ngang nag-come back na si Alden sa Kapuso noontine show ay labis labis ang saya na nadarama ng kanyang mga tagasuporta na nag-aabang sa kanyang pagbabalik.

Related Chika:
Alden Richards marunong tumanaw ng utang na loob, hindi raw sasama sa offer ng bagong management ng ‘Eat Bulaga’ kung mawala ang TVJ

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending