Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng 'HNY': Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever! | Bandera

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Ervin Santiago |January 09,2023
facebook
share this

Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Ervin Santiago - January 09, 2023 - 09:45 AM

Alden Richards sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng 'HNY'

Lolit Solis at Alden Richards

SHOOKT ang talent manager at online host na si Manay Lolit Solis nang sorpresahin siya ni Alden Richards sa kanilang bahay kamakailan.

Kuwento ni Manay, talagang hinintay ni Alden at ng personal assistant nitong si Mama Ten na magising siya para personal siyang mabati ng “Happy New Year”.

Ibinahagi ng veteran entertainment columnist sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Alden na kuha sa loob ng kanilang bahay noong dalawin nga siya nito.

“Naloka sila Mel at Celia (kasama niya sa bahay) na dumalaw si Alden Richards sa bahay. Alam nila na ayoko at talagang private zone ang bahay ko kahit sa mga alaga ko.

“Dahil nga eversince gusto ko iwan sa labas ng bahay ang trabaho ko sa showbiz, at pag nasa bahay, iyon private na Lolit na ang nakatira,” simulang pagbabahagi ni Manay Lolit.

“Pero talagang desidido sila Alden at mama Ten na batiin ako ng Happy New Year at hinintay talaga nila na magising ako sa aking afternoon nap.

“Eversince napakabait ni Alden at kahit hindi kami nagkikita talagang feel ko na close siya sa akin. Isang reason why I treasure him so much dahil din sa kabaitan ni Mama Ten.

“Alden Richards, promise sa Team mo ako forever, kahit saan at anong oras, solid Alden Richards ako. Thank you,” mensahe pa niya sa Kapuso Drama Prince at Asia’s Multimedia Star.

Nauna rito, binati naman ng talent manager si Alden noong kaarawan nito last week. Nag-share siya ng litrato ng aktor na may mahabang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


Ani Manay, “Naku Salve birthday month nga pala ni Alden Richards ang January. Isang malaking example si Alden ng isang star na nagsikap talaga at naging masinop sa kanyang mga kinita kaya tignan mo naman mga investment niya.

“Isa rin siya sa mga star na sincere talaga sa mga friends niya sa showbiz lalo na sa mga writers. Mahal na mahal siya ng mga tao sa paligid niya dahil never niya pinabayaan ang mga tao malapit sa kanya.

“Kahit mga fans niya inaalagaan niya kaya naman matatag siya sa kinalalagyan niya. Mahal ng mga followers niya si Alden at isa sa pinaka loyal niyang follower, kaibigan si Mama Ten na talagang solid Alden Richards kahit ano mangyari.

“Tiyak ko na may malaking event sila na naiisip para maging happy ang special day ni Alden. Isa si Alden Richards sa mga artista na love ko, Salve at Gorgy dahil napaka galang at mabait.

“Hindi nagbago kahit na nasa itaas na. Wish namin laging happy si Alden, laging tahimik ang buhay niya at matagpuan niya ang babae na magmamahal sa kanya forever. Happy birthday Alden, be happy always,” pahayag pa ni Manay Lolit.

Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

Bea Alonzo mukha raw tita ni Alden Richards, sey ni Manay Lolit

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending