Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng 'Eat Bulaga' | Bandera

Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago |September 11,2022
facebook
share this

Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Ervin Santiago - September 11, 2022 - 08:09 AM

Herlene Budol at Alden Richards

HANGGANG ngayon ay ang Asia’s Multimedia Star pa rin na si Alden Richards ang ultimate crush ng Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, talagang gustung-gusto raw ni Herlene na kilala rin sa tawag na “Hipon Girl” na makatrabaho o maka-collab ang Pambansang Bae.

Knows n’yo ba na nagka-cutting classes pa ang dalaga noong nag-aaral pa siya para lang mapanood si Alden noong kasagsagan ng kasikatan ng Kalyeserye ng GMA 7?

Natanong si Herlene sa naganap na mediacon nitong nagdaang Miyerkules, September 7, para sa kanyang bagong endorsement, ang Rejuviant body wash and lotion, kung sino ang nais niyang maging leading man kapag nabigyan ng sarili niyang teleserye o movie.

“Sana gusto rin ako…si Alden nga po kasi nga bet ko nga talaga siya.

View this post on Instagram

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)


“Nagka-cutting talaga ako, yung sa ano, yung Yaya Dub na ‘yon saka siya. Nu’ng hindi pa sila nagkikita. Ay! Hindi ako papasok, magkikita na raw sila pero pagdating ko, ‘di pala magkikita, hinaharangan, so si Alden Richards ang bet ko,” chika ni Herlene.

Inalala pa niya yung aras nang halikan niya si Alden nang makita niya ito sa isang event, “Naamoy ko siya, kiniss ko pa nga siya, e. Ayun na-bash ako. Na-bash talaga ako doon, I love it!

“Gusto ko yung ano, e, may nanggigigil lalo. Kahit naman sino, kung nakita mo yung idol mo lahat gagawin mo, kung pwede ko nga lang hindi na pakawalan ‘yon, ‘di ba? Siyempre, tao lang din ako, humahanga,” sey pa ng komedyana at Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up.

Pero feeling ni Hipon Girl baka raw imposible pang mangyari ang magkasama sila ni Alden sa isang project, kaya hirit niya, “Pasok na lang siguro akong PA (personal assistant) niya.”

Samantala, nakatakda ring lumaban si Herlene sa 2ns Miss Planet International na magaganap sa Nobyembre 19 sa Uganda kaya ang sumunod na tanong sa kanya, kung mananalo siya roon, ano ang mas type niya, ang maging beauty queen o aktres?

“Kung ano na lang po yung nandiyan. Kung ano na lang po yung mga obligasyon na kaya ko namang gampanan bilang ako talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi, kagaya po ngayon na kaya ko pong gampanan yung pagiging first runner-up ko po sa Binibini, at siyempre, nakakapagtrabaho din po ako sa ibang bagay,” tugon pa ng Kapuso comedienne.

Herlene Budol binabatikos ng mga netizens: I love the duality!

Herlene Budol bumuwelta sa mga ‘golden bashers’; may hiling para sa magulang nina Toni at Alex

Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!

Herlene Budol hindi kumita sa mga naunang vlogs: Nakakalungkot lang isipin kasi kahit kani-kanino ako nagtiwala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending