Alden Richards marunong tumanaw ng utang na loob, hindi raw sasama sa offer ng bagong management ng 'Eat Bulaga' kung mawala ang TVJ | Bandera

Alden Richards marunong tumanaw ng utang na loob, hindi raw sasama sa offer ng bagong management ng ‘Eat Bulaga’ kung mawala ang TVJ

Reggee Bonoan |March 18,2023
facebook
share this

Alden Richards marunong tumanaw ng utang na loob, hindi raw sasama sa offer ng bagong management ng ‘Eat Bulaga’ kung mawala ang TVJ

Reggee Bonoan - March 18, 2023 - 05:35 PM

Alden Richards marunong tumanaw ng utang na loob, hindi raw sasama sa offer ng bagong management ng 'Eat Bulaga' kung mawala ang TVJ
KINUMPIRMA na ni Alden Richards kay Nanay Cristy Fermin na hindi siya sasama sa offer ng bagong management ng Eat Bulaga kapag natuluyang mawala na ang Tito, Vic and Joey plus Mr. Tony Tuviera na siyang matagal na namahala sa nasabing programa under TAPE Productions.

Base sa kuwento ni ‘nay Cristy sa Showbiz Now Na vlog nila nina Wendell Alvarez at Romel Chika na in-upload ngayonh hapon sa YouTube channel nila.

“Marunong tumanaw ng utang na loob si Alden! Ito po ang totoo at sinabi niya ito sa akin na anuman daw ang offer ang ibigay sa kanya ng bagong pamunuan ng Eat Bulaga, hindi siya sasama.

“Kung baga tama ‘yung sinabi mo (Romel Chika) paninindigan niya ‘yung kanyang imahe bilang mapagkumbaba, marunong tumanaw ng utang na loob, hindi nakalilimot. Alam ni Alden ‘yan na ang Eat Bulaga ang gumawa sa AlDub (tambalan nila ni Maine Mendoza),”pagbabahagi ni ‘nay Cristy sa kuwento sa kanya ni Alden.

Taong 2015 ay isinilang ang tambalang AlDen nina Alden at Maine at inamin ng aktor na ito ang bumuhay ng karera niya kaya naman may maganda na siyang pamumuhay ngayon na isini-share rin niya sa mga nangangailangan.

Bagama’t hindi na aktibo ang AlDub loveteam ngayon ay marami pa ring supporters ang hindi bumibitaw kina Alden at Maine kahit may iba na silang prayoridad sa buhay.

Sa pagpapatuloy ni ‘nay Cristy, “kasi kapag hindi sumama si Alden sa dati niyang mga kasama magiging negatibo ang dating niya sa publiko.”

Biro ni Romel Chika, “ay oo, mukhang magiging barkada niya si Liza (Soberano-negatibo ang imahe ngayon), ha, ha, haha.”

Baka Bet Mo: TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’

Sinang-ayunan naman ito nina ‘nay Cristy at Wendel.

Dagdag pa ng beteranang manunulat at host, “yung mga tao kasi na naging dahilan kaya siya naging Alden Richards, oo artista na noon si Alden, oo TV star na siya pero ‘yung pag-akyat talaga ng todo-todo ng pangalan niya bilang Alden Richards nangyari ‘yan sa Aldub.

“Kaya tama ang desisyon ni Alden na anuman ang ialok sa kanya ng bagong pamunuan kung totoo nga na magkakahiwa-hiwalay ay tama lang ‘yung desisyon niya na sumama siya sa mga dating kasama at doon siya lalong pupurihin ng publiko.”

Nasambit pa na mahal ng EB production si Alden dahil sobrang marespeto at pagpapahalaga sa kanila ng aktor.

Sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na final decision ang bagong pamunuan ng Eat Bulaga kung tuloy ang rebranding nila at kung sino ang maiiwang host at anong mangyayari kina dating senador Tito Sotto lll, Vic Sotto at Joey de Leon.

Related Chika:
Alden sinorpresa si Lolit Solis, dinalaw sa bahay para personal na bumati ng ‘HNY’: Sana makita na niya ang babaeng magmamahal sa kanya forever!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alden naghahanap ng girl na may ‘big brain’: Kung ikaw lang ang nag-iisip at dumidiskarte sa relasyon parang solo ka lang din

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending