TVJ muling kinanta ang theme song ng 'Eat Bulaga', netizens nag-react: 'Mukha ngang totoo ang tsismis' | Bandera

TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’

Therese Arceo |March 04,2023
facebook
share this

TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’

Therese Arceo - March 04, 2023 - 06:46 PM

TVJ muling kinanta ang theme song ng 'Eat Bulaga', netizens nag-react: 'Mukha ngang totoo ang tsismis'
MULING pinatunayan nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon na kilala bilang TVJ o Tito, Vic, at Joey ang kanilang pagiging institusyon sa Kapuso longtime noontime show na “Eat Bulaga”.

Ngayong araw, March 4, nang ipakilala sila bilang isa sa mga hurado sa grand finals ng kanilang segment na “Little Miss Diva” ay muling kinanta ng tatlo ang theme song ng “Eat Bulaga”.

“Sa mga kabataan, para sa mga Diva at mas bata pa sa kanila. Nililinaw ko lang ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ si Vic Sotto. Ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey de Leon,” pagbabahagi ni former Sen. Tito.

Biro naman ni Joey, “Si Vic nag-compose ng kanta, ako nakaisip ng Eat Bulaga, anong ginawa mo?”

“Ako manager,” sagot naman ni Tito Sen.

Hindi naman kaila sa publiko na kasalukuyang nahaharap sa napakalaking isyu ang “Eat Bulaga” patungkol sa rebranding ng programa.

May mga chika na nagsasabing may tsansa na umalis ang TVJ sa programa dahil sa “internal problem” na nangyayari sa shoe kung saan isang executive raw ang balak tanggalin.

Agad namang nag-trending ang “Eat Bulaga” sa Twitter kung saan naging emosyonal ang mga dabarkads dahil sa mga nangyayari.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

 

“Nakaka-touch! TVJ and the dabarkads sung EB’s iconic theme song w/ the Little Miss Diva finalists. This is this despite the issue they are faced with. Naalala ko ‘yung tagline nila, ‘Hangga’t may bata, may Eat Bulaga!’ Para silang jeepney. Parte na ng ating kultura,” tweet ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “One of the first songs I learned was the Eat Bulaga theme song. Until now I can sing it acapella. Hearing it brings back memories of our childhood lalo na at bawal kaming lumabas tuwing tanghali para maglaro at ang pampalipas oras ay panonood ng our favorite show.”

“First time ko manood ng Eat Bulaga in a long time. May parinig na ang TVJ. Si Joey daw ang nagpangalan sa show at si Vic ang gumawa ng theme song. Mukha ngang totoo ang tsismis, kasi little miss diva ang contest, tapos biglang may ganung chika ang mga thunders,” hirit naman ng isa.

Sa ngayon ay wala pa namang pormal na pahayag ang “Eat Bulaga” hinggil sa isyu ngunit may mga naging cryptic post na sina Tito Sen at Joey.

Nag-post nga ang dating senador ng larawan nila ng Antonio Tuviera na may caption na “Tito and Tony last night! Who says we’re splitting?”

Sey naman ni Joey, “Actually, natatawa at natutuwa ako sa mga pangyayari kasi pinag-uusapan pa rin kami hanggang ngayon! Thanks!”

Related Chika:
‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

‘Eat Bulaga’ papalitan raw ng ‘Wow Bulaga’, true kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending