'Eat Bulaga' may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: 'Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin' | Bandera

‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’

Therese Arceo |March 03,2023
facebook
share this

‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’

Therese Arceo - March 03, 2023 - 03:37 PM

Eat Bulaga may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: 'Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin'

MAY posibilidad nga bang matsugi sa longest noontime show na “Eat Bulaga” ang mga OG hosts nitong sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Tito Sotto?

Sa episode ng “Cristy Ferminute” nitong March 2, isiniwalat ng kolumnista na may pinagdaraanang matinding problema at may isang executive raw ang gustong tanggalin.

“Mayroon pong internal na problema na nagaganap sa programang ito. Hindi po kami magbabanggit ng mga pangalan pero meron po talaga at hindi naman kasi isang tao lang po ang nagpapatakbo o nagmamando ng Eat Bulaga. Ito po ay isang korporasyon, marami po sila dito sa Tape Incorporated. Maraming namuhunan, maraming magkasosyo,” lahad ni Cristy.

Dagdag pa niya, “Pero ang balita, merong isa na mahal na mahal natin, isang ehekutibo na gustong tanggalin, sipain, sa pamamahala ng programa eh pinakamahal pa naman siya ng lahat.”

Sabi naman ni Romel, ang taong nais tanggalin ay haligi na ng “Eat Bulaga”.

Saad pa ni Cristy, “Alam mo merong isang source na ka-kuwentuhan ko kanina na hindi nanununog at hindi nangunguryente, bago pa pala nag-pandemya isyu na yan eh. Isyu na talaga yan. May gustong tanggalin talaga na nagmamando doon sa kabuuan ng programa.”

Aniya, ‘yung mga current or existing hosts daw ng “Eat Bulaga” ay sasama sa pag-alis ng executive kapag tinanggal ito.

“Yun pong mga host, existing hosts ng programang ito, kapag tinanggal yung pinag-iinitan na ehekutibo at namumuhunan, sasama silang lahat sa tao na yun… Mula Aparri hanggang Julo pinag-uusapan ‘to,” sey pa ni Cristy.

Chika pa ng kolumnista, wala raw matitirang host sa “Eat Bulaga” at sa halip ay sasama sa pinag-iinitang executive/producer.

Nang tanungin naman si Nanay Cristy kung sino sa grupong Tito, Vic, at Joey ang pinag-iinitan, ang sagot niya ay ang mga ito raw ang sasama sa pinag-iinitan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

“Sila yung sasama. Ayan ha binibigyan ko na kayo ng mga clue,” hirit pa ni Cristy.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang “Eat Bulaga” main hosts patungkol sa isyu.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at ng programa hinggil sa balitang kumakalatx

Related Chika:
Joey harap-harapang inaming nagtampo kay Toni nang umalis sa ‘Eat Bulaga’: Selfish lang kami noon, pero good for her

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads

Joey bumanat sa mga nagpapakalat ng fake news; suportado si Tito sa pagtakbo

Bossing kay Tito Sen: Saan ka man dalhin ng iyong kapalaran nasa likod mo ang buong Eat Bulaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending