Anjo Pertierra minaliit ng dating katrabaho: Nangmamata siya

Anjo Pertierra minaliit ng dating katrabaho: Nangmamata siya

Ervin Santiago - January 30, 2025 - 10:05 AM

Anjo Pertierra minaliit ng dating katrabaho: Nangmamata siya

Anjo Pertierra

NAKARANAS din ng pangmamaliit at pangmamata ang “Unang Hirit” Weather Presenter na si Anjo Pertierra mula sa isang taong nakatrabaho niya.

Ni-reveal ito ng Kapuso host at aktor nang matanong kung nagkaroon ba siya ng isyu sa mga naka-work niya lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa industriya ng pamamahayag.

Kuwento ni Anjo, hindi niya nagustuhan ang ugali nang taong nakasama niya sa trabaho dahil feeling niya ay minamaliit siya nito dahil nga baguhan pa lamang siya.

“Ayun ‘yung time na nagsisimula pa lang ako. Nangmamata siya to the point na nakita ko na may binubulungan siyang katabi niya na parang nakatingin siya sa amin,” ang rebelasyon ni Anjo sa cooking- talkshow ng GTV na “Lutong Bahay”.

Naloka naman ang host ng programa na si Mikee Quintos sa kuwento ng kapwa niya Kapuso host.

Hindi na ibinandera ng binata ang pangalan ng taong tinutukoy niya na matatawag na ring bully dahil sa ugali nito.

Baka Bet Mo: Anjo nakipagbati na kay Jomari: Mangiyak-ngiyak yung nanay namin

Sey pa ni Anjo, ramdam niya ang panghuhusga ng kanyang workmate kahit hindi pa naman daw siya nito kilala nang lubusan.

Sa sundot na tanong ni Mikee kay Anjo kung ano sa tingin niya ang  dahilan ng katrabaho sa ginawa nito sa kanya, “Hindi ko alam, e.”

Pero sa kabila ng nangyari, inintindi na lang ni Anjo ang taong yun. Inisip na lamang daw niya na baka may pinagdaraanan ang kanyang katrabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka lang masama ‘yung araw niya,” sey ni Anjo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending