Anjo nakipagbati na kay Jomari: Mangiyak-ngiyak nanay namin

Anjo nakipagbati na kay Jomari: Mangiyak-ngiyak yung nanay namin

Ervin Santiago |January 17,2024
facebook
share this

Anjo nakipagbati na kay Jomari: Mangiyak-ngiyak yung nanay namin

Ervin Santiago - January 17, 2024 - 11:11 AM

Anjo nakipagbati na kay Jomari: Mangiyak-ngiyak yung nanay namin

Ryan, Anjo at Jomari Yllana

SA WAKAS, nagkabati na ang magkapatid na Anjo Yllana at Jomari Yllana na nangyari nitong nagdaang Bagong Taon.

Kinumpirma ni Anjo sa BANDERA at sa ilang miyembro ng entertainment media ang good news na ito pagkatapos ng presscon ng bago niyang pelikula, ang “Itutumba Ka Ng Tatay Ko.”

Pagbabahagi ng veteran comedian at TV host, muli silang nagkita at nagkausap ni Jomari nang mag-celebrate sila ng New Year sa bahay ng isa pa nilang kapatid na si Ryan Yllana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anjo Garchitorena Yllana (@anjoyllana)


Siya raw ang naunang bumati kay Jom kahit na nakapagsalita siya noon na hindi siya ang mag-i-initiate ng kanilang pagbabati dahil siya ang kuya kaya abangers lang siya sa paglapit at pagpapakumbaba ng kapatid.

Baka Bet Mo: Anjo umaming hindi pa rin sila nagkakabati ni Jomari, handang makipag-ayos pero may kundisyon…ano kaya yun?

“Okay na kami. Nagkausap kami nu’ng New Year. Mangiyak-ngiyak nga yung Mommy ko. Sabi niya natutuwa siya na yung panganay at bunso niya nag-uusap na.

“Ako naman, okay na rin yun para wala nang samaan ng loob. Kumbaga, past is past, lahat ng mga nangyari sa amin para sa akin tapos na yun. Forward na lang,” pahayag ni Anjo.

Halos dalawang taon ding nagdedmahan ang magkapatid matapos magkaroon ng isyu noong kasagsagan ng local elections. Nagkapalitan sila ng masasakit na salita hanggang sa humantong nga sa matagal na alitan.

“Ako na ang nauna (bumati). Kasi nu’ng New Year nga, nandoon din ang Mommy ko, nilapitan ko na, binati ko siya, casual na bati, yung ganu’n na parang walang nangyari.

“Ayoko na rin kasing pag-usapan yung nakaraan, kumbaga, past is past na. Tsaka yun nga, naisip ko rin yung Mommy ko na nandu’n. Sincere yung paglapit ko sa kanya, kaya sana siya rin,” ani Anjo.

Baka Bet Mo: Anjo Yllana sinisingil na rin ang utang sa kanya ng TAPE: ‘Para akong basang sisiw na nagmamakaawang kunin ‘yung akin’

“Bumati rin naman siya sa akin, pati si Abby (Viduya, asawa ni Jom). Nagbatian kaming lahat. Nagkakuwentuhan din kami, but nothing serious kasi ayoko rin naman ng ganu’n,” sey pa ng komedyante na um-agree sa sinabi namin na wala nang nangyaring ungkatan ng past.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jomari Yllana (@jomariyllana)


Chika pa si Anjo, hindi na rin daw sila nagpalitan ng “sorry” ni Jomari, “Sa akin okay na yun. Kahit two years kaming hindi nag-usap, hindi mo pa rin maiaalis na magkapatid kami. And deep inside naman, kinalimutan ko na yun, nga three or four months after nangyari yun (tampuhan).”

Binati rin daw niya ng “Congratulations!” sina Jom at Abby sa pagpapakasal nila sa Amerika. Masaya raw siya para sa dalawa na nabigyan nga ng second chance sa pag-ibig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Umaasa rin ang aktor at TV host na magtutuluy-tuloy na ang magandang samahan uli nila ng kapatid.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending