Anjo Yllana sinisingil na rin ang utang sa kanya ng TAPE

Anjo Yllana sinisingil na rin ang utang sa kanya ng TAPE: ‘Para akong basang sisiw na nagmamakaawang kunin ‘yung akin’

Pauline del Rosario - May 21, 2023 - 10:38 AM

Anjo Yllana sinisingil na rin ang utang sa kanya ng TAPE: ‘Para akong basang sisiw na nagmamakaawang kunin ‘yung akin’

PHOTO: Facebook/Anjo Garchitorena Yllana

MATAPOS malamang nabayaran na ng TAPE, Inc. ang milyon-milyong utang sa veteran comedian at TV host na si Bossing Vic Sotto ay umapela na rin ang dating “Eat Bulaga” host na si Anjo Yllana.

Sa naging interview ng DZRH News noong May 12, ibinunyag ni Anjo na hindi pa nababayaran ng production company ang lima hanggang pitong buwang halaga ng kanyang sahod noong 2019.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat kay Vic at Tito Sotto dahil nabuksan ang isyu na ito.

“Ayoko naman magsalita tungkol dito kasi sabi nga ni Bossing, ‘Pera lang yan, sa akin prinsipyo.’ Gano’n na sana ako, parang, ‘Sige, prinsipyo na lang’,” sey ng dating TV host.

 Dagdag niya, “E kaso nainggit naman ako na [bayad na sila].”

Baka Bet Mo: Anjo Yllana na-trauma na sa pakikipagrelasyon, pinaghahandaan na ang pagiging senior citizen

“Ang huling sumingil si Jacqui, ang nanay ng mga anak ko, kasi ayaw niya maniwala sa akin na pito, walong buwan na akong hindi nagsusuweldo…Before pandemic ito e, mga 2019,” saad ni Anjo na tinutukoy ang kanyang dating misis na si Jacqui Manzano.

“This is precisely ‘yung sinasabi ni Tito Sen na bakit sa BIR declared na ‘yung VAT, ibig sabihin bayad na,” Giit ni Anjo.

Ani pa niya, “Kung hindi lumabas ‘yung sinabi ni Tito Sen at ni Pareng Vic, walang maniniwala sa akin na may utang pa sa akin.”

Naalala pa ni Anjo na hiningi ng production company ang bank-account details niya at noong pandemya ay nag-deposit daw ito ng P200,000 bilang payment.

“Tapos, paunti-unti na yun kada kinsenas. Minsan wala pa, maliliit na ‘yun—mga 30, minsan 20—but hindi abot ‘yon sa total na kulang sa akin,” kwento niya.

Sabi pa niya, noong nag-resign siya sa noontime show ay doon na nahintong mag-deposit ang kompanya sa kanyang account.

“Sa totoo lang, sabi ko nga mahal ko ‘yung show, matagal ako do’n. Kung talagang wala silang ibabayad sa akin at walang pera—ang sinasabi kasi lagi walang pera sa loob, walang laman yung opisina,” chika niya.

Patuloy pa niya, “Kung talagang wala, ika nga ni Bossing, ‘Sige edi wala.’ E kaso parang meron naman ngayon [kaya] baka sakali lang naman.”

“Nagbabakasakali lang ako na makuha ‘yung karapat dapat para sa akin. Twenty years ako do’n, baka naman may konting compensation,” sambit niya.

“Nakakalungkot kasi para akong basang sisiw na tinrabaho ko naman ito pero [bakit] nagmamakaawa akong kunin ‘yung akin,” aniya pa.

Matatandaang naglabas ng saloobin si Tito Sen tungkol sa kinakaharap na problema ng “Eat Bulaga” kabilang na nga ang P30 million utang ng TAPE kina Vic at Joey.

“Sabi nila wala raw utang ang TAPE kay Vic at kay Joey. Hindi totoo ‘yun. Malaki ang utang… sa sweldo nila ‘yun at sa mga dapat nilang tanggapin. If I’m not mistaken at least P30 million each ang kakulangan,” ang sabi ng dating senador sa isang panayam.

“Ang nirereklamo ni Vic sa amin is tinatanggalan siya ng VAT pero hindi niya natatanggap ‘yung supposed na sahod,” rebelasyon pa niya.

Related Chika:

OK lang kay Bossing Vic kung hindi na mabayaran ng TAPE ang P30-M utang sa kanya: ‘Hindi lahat nadadaan sa pera’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian idol na idol sina Janno at Anjo: ‘Bata pa lang ako pinapanood ko na sila, kaya po ako nagkaganito dahil sa kanila!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending