Antonio Tuviera may problema nga ba sa TAPE Inc., aalis sa 'Eat Bulaga'? | Bandera

Antonio Tuviera may problema nga ba sa TAPE Inc., aalis sa ‘Eat Bulaga’?

Reggee Bonoan |March 03,2023
facebook
share this

Antonio Tuviera may problema nga ba sa TAPE Inc., aalis sa ‘Eat Bulaga’?

Reggee Bonoan - March 03, 2023 - 05:38 PM

Antonio Tuviera may problema nga ba sa TAPE Inc., aalis sa 'Eat Bulaga'?
PALAISIPAN ngayon sa tagasubaybay ng noontime show na “Eat Bulaga” kung sino ang mga matitirang hosts kapag umalis na ang nagtatag ng programang ito na si Ginoong Antonio Tuviera na balitang may internal problem with his partners sa Television and Production Exponents Inc o TAPE.

Isa ito sa napagtsi-tsikahan sa mga showbiz events na may malaking pagbabago nga raw mangyayari sa Eat Bulaga at abangan na lang ang mga susunod na pangyayari.

Ilang araw na rin itong dini-discuss nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa radio program nilang “Cristy Ferminute” sa Radyo Singko 92.3 News FM na hindi naman nila pinangalanan si Mr. Tuviera o mas kilala sa tawag na “Mr. T” pero alam naman ng lahat na siya ito base sa paglalarawang mahal na mahal ang taong ito ng nakararami sa programa dahil super bait.

May nagtanong kay ‘nay Cristy kung bakit aalis ang taong ito at sinagot niya na korporasyon kasi ito at malaki ang shares ng isa sa partner ng programa at ito nga ang TAPE, Inc.

Ang balitang nakarating sa amin ay plano umanong mamuno na ang mga anak ng taong may mas malaking shares. Sila na raw ang magpapatakbo ng negosyong ito na hindi pa naman daw gamay ang pasikot-sikot ng show.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

 

Anyway, ang siguradong aalis sa show at sasama kay Mr. T ay sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na nakilala billing TVJ o Tito, Vic, and Joey.

At dito na papasok ang question of loyalty sa ibang hosts ng Eat Bulaga na dumaan sa maraming pagsubok sa personal nilang buhay pero hindi sila binitiwan ng programa lalo na ni Mr. Antonio Tuviera kung siya ay tawagin dahil laging tumutulong sa mga taga-industriya.

Hindi na namin iisa-isahin kung sino ang mga hosts na nawalan ng mga pagkakakitaan sa iba nilang shows at negosyo pero dahil sa EB ay nakararaos sila at may exposure pa rin sila.

Samantala, may nakarating sa aming balita na kinukuhang isa sa host o masasabing main host ang isang TV host na lulubog-lilitaw ang drama nito sa telebisyon at ibang online platform para pamunuan ang “Eat Bulaga” kapag may mga aalis pa bukod sa TVJ.

Bukas ang BANDERA sa panig ng TAPE, Inc tungkol sa balitang ito.

 

Related Chika:
‘Eat Bulaga’ may pinagdadaanang problema, sey ni Cristy Fermin: ‘Merong isang ehekutibo na gustong tanggalin’

‘Eat Bulaga’ sa GMA 7 pa rin mapapanood; ‘Tito, Vic & Joey’ 50 years na ngayong 2022

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Viral na: 2 contestants sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga nandaya raw kaya nahulaan ang salitang ‘stomach’?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending