Viral na: 2 contestants sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga nandaya raw kaya nahulaan ang salitang 'stomach'? | Bandera

Viral na: 2 contestants sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga nandaya raw kaya nahulaan ang salitang ‘stomach’?

Ervin Santiago |February 19,2023
facebook
share this

Viral na: 2 contestants sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga nandaya raw kaya nahulaan ang salitang ‘stomach’?

Ervin Santiago - February 19, 2023 - 12:39 AM

Viral na: 2 contestants sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga nandaya nga ba kaya nahulaan ang salitang 'stomach'?

Nandaya nga ba ang dalawang contestants na sumali sa ‘Pinot Henyo’ ng Eat Bulaga?

NAPANOOD na namin ang viral TikTok video tungkol sa dalawang contestants ng sumalang sa “Pinoy Henyo” segment ng Kapuso noontime show na “Eat Bulaga”.

Kinuwestiyon at inireklamo kasi ng mga manonood at netizens ang naturang couple ang umano’y pandaraya ng mga ito habang hinuhulaan ang isang salita sa “Pinoy Henyo.”

Sa nasabing video clip, mapapanood ang lalaking contestant na hirap na hirap sa paghula sa word na “stomach”. Pero nasambit din nito ang salita bago matapos ang kanilang oras.

Ngunit base nga sa kumalat na TikTok video, maraming netizens ang nagkomento na kitang-kita sa buka ng bibig ng contestant na babae ang pagsambit nito ng “stomach” kaya naman nahulaan ito ng lalaki.

Ayon sa mga nabasa naming comments sa social media, hindi raw makatarungan ang ginawa ng dalawang studio contestants kaya kailangang aksyunan daw ito ng “Eat Bulaga” management.

“Eat Bulaga, unfair naman kung wala kayong gagawin about this.”

“Waiting sa paliawanag ng EB.”

“Ang daya ni Ate Gurl haha dapat disqualified na sila.”

“Kitang-kita ang ebidensya kaya hindi makakapag deny. Kunyari nagulat pa siya oh!”

“Galeng ng strategy ng ate. Hindi nahalata. Sana bumalik sila at magpaliwanag sa nangyari.”

“Pandaraya naman oh! Kitang-kita. Huli pero di kulong!”

Yan ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens na na-bad trip talaga sa kanilang napanood.

Isang netizen naman ang nag-suggest na sana raw ay nakatalikod na lang sa isa’t isa ang mga players sa “Pinoy Henyo” para wala nang mangyaring dayaan.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng management pati na ng dalawang contestants.

Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi…subukan n’yo!

Judy Ann Santos, Sam Milby muling magtatambal, bibida sa bagong horror movie

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending