Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There's no acceptable reason for cheating | Bandera

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Ervin Santiago |September 21,2021
facebook
share this

Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

Ervin Santiago - September 21, 2021 - 09:02 AM

Vice Ganda at Kim Chiu

TRENDING at viral na naman sa social media ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu dahil sa lovelife hugot niya sa “It’s Showtime.”

Pinag-usapan talaga ng mga netizens ang ibinigay na opinyon ng dalaga sa problema sa pag-ibig ng isang contestant sa “Reina ng Tahanan” segment ng noontime show ng ABS-CBN kahapon.

May nag-record na netizen sa nasabing eksena kung saan nagkomento nga si Kim ng, “Baka magtsi-cheat kung hindi siya naging masaya.”

“Ano, ‘no?” ang hirit naman sa kanya ni Vice Ganda.

Sey uli ni Kim, “Baka bubukas yung mundo ng cheating kung hindi siya masaya sa partner niya.”

Wala sa video kung ano ang pinanggagalingan ni Kim at ng nasabing contestant pero kinontra ni Vice ang sinabi ni Kim tungkol sa issue ng cheating o panloloko.

“Again, Kim Chiu, there’s no acceptable reason for cheating. Masaya ka o di ka masaya, walang kaso yun. Di ka maaabswelto du’n. ‘E, kasi hindi siya masaya kaya abswelto.’ Walang ganu’n,” paliwanag ng TV host-comedian.

At dahil nga rito, marami ang nangnega sa girlfriend ni Xian Lim at nagsabing maging maingat sa pagsasalita at pagkokomento tungkol sa issue ng pakikipagrelasyon.

May mga netizen naman ang nagpaalala sa isa pang sablay ng aktres noong magbigay uli ito ng kanyang saloobin hinggil sa cheating na sinalo rin ni Vice.

Nangyari rin ito sa “Reina ng Tahanan” segment noong June, 2021 kung saan nabanggit ng contestant na nahuli niya ang kanyang dyowa na may kasamang ibang babae sa mismong bahay nila.

Hirit ni Kim, “May something sa babae rin. Nasa babae rin, nasa tamang harot din lang ‘yan. Kasi ang lalaki, mahina. Marupok sa harot na tinatawag. Tama?”

Sabi naman ni Vice, “So, may kasalanan yung babae, hindi ang lalaki?” Na sinagot ng contestant ng, “Yes po, agree ako.”

Sey pa ni Vice, “Hindi. Hindi mo puwedeng isisi lang sa babae. Pareho silang malandi. It takes two to tango. Di makakasayaw iyan kung walang partner.”

Chika naman ni Kim, “Sabagay.”

“Actually, hindi nga yung babae ang nanloko sa ‘yo kasi wala siyang obligasyon sa ‘yo. Wala kayong usapan. Ang may obligasyon sa ‘yo yung lalaki kasi kayo ang may pagkakaunawaan,” sabi uli ni Vice.

Ngunit ipinagdiinan pa rin ni Kim na may kasalanan din ang babaeng nanglandi sa dyowa ng contestant. “Bakit pupunta sa bahay yung babae sa bahay nu’ng lalaki at nu’ng kinakasama? Dapat hindi siya pumunta du’n. Attorney mo ako,” ang sabi ng aktres sa contestant.

Diin pa ni Vice, “Kumbaga sa krimen, bakit isa lang ang may accountability? Dalawa silang may accountability.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron din namang dumepensa para kay Kim na nagsabing may punto naman ang dalaga, hindi lang daw nito na-explain nang maayos ang saloobin niya kung bakit may nangloloko sa isang relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending