Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi...subukan n'yo! | Bandera

Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi…subukan n’yo!

Ervin Santiago |June 20,2022
facebook
share this

Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi…subukan n’yo!

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 09:29 AM

Joey de Leon at Maine Mendoza

“HENYO Master talaga Boss Joey!” Ito ang tuwang-tuwang reaksyon ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza nang ibandera ni Joey de Leon ang kanyang latest “discovery.”

Aliw na aliw ang mga supporters ni Maine sa bagong pa-trivia ng veteran comedian at “Eat Bulaga” host tungkol sa pangalan ng aktres.

Idinaan ni Joey sa kanyang Instagram account ang nakakabilib na nadiskubre niya nang pag-aralan ang tunay at buong pangalan ni Maine Mendoza.

Sa isang video ibinahagi ng tinaguriang Henyo Master ng local entertainment industry kung paano naging konektado ang name ni Maine sa pagiging natural comedienne nito.

“Nicomaine Dei Capili Mendoza. Alam niyo ba na ‘yan ang buong pangalan ni Menggay? Nicomaine Dei Capili Mendoza,” simulang pahayag ni Joey.

“At alam niyo ba… na gamit ‘yung mga letters nu’ng pangalan niya, buong pangalan, dalawang beses niyo ma-i-spell out ‘yung word na ‘comedian?’ Subukan niyo,” sabi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo)


Sa sumunod niyang post sa Instagram, isa pang trivia ang naisip niya sa kabuuang bilang ng mga letra sa buong pangalan ng TV host-actress.

Chika ni Joey, “Now we know that Menggay’s full name (Nicomaine Dei Capili Mendoza) carries the word COMEDIAN twice!

“Eto matindi, in the remaining 9 letters, you’d come up with, ‘I A Zipline’ … to denote length, smoothness, playfulness, etc.

“And wait, there’s more — the total letters in her full name is 25..2 and 5 are the only kneeling number which denotes HUMILITY and being PRAYERFUL,” sabi pa ng beteranong komedyante.

Komento nga ni Maine nang mabasa at mapanood ang video ni Joey ibang klase raw talaga ang pagkahenyo ng movie icon. Aniya, hindi niya akalain na may nakatago palang “meaning” ang kanyang pangalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

BL actor magaling manggamit ng mayayamang beki pero may kapalit naman daw na ‘video show’

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending