Pamilya ni Janno binabantayan ang mental health, hindi pa pwedeng mapag-isa
KAHIT pinipilit na pigilin ang kanyang emosyon ay maluha-luha pa rin si Janno Gibbs habang nagkukuwento tungkol sa yumaong amang si Ronaldo Valdez.
Pagkatapos ng presscon ng TV host-comedian nitong nagdaang Lunes para sa kanilang official statement hinggil sa pagkamatay ng ama, muli siyang humarap sa media kahapon, January 16.
Ito’y para naman sa latest movie ng komedyante na “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” mula sa Viva Films kung saan siya rin ang nagsilbing direktor at showing na sa January 24.
View this post on Instagram
Ayon kay Janno, ayaw niyang umiyak sa harap ng entertainment press pero hindi talaga niya mapigil ang kanyang emosyon kapag napag-uusapan ang pumanaw na ama na kabilang din sa kanilang pelikula.
Baka Bet Mo: Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!
Sey ng veteran comedian, “This is a great tribute for my dad. May nagsabi kasi, ‘Is it too soon to release the movie after what happened?’
“Ako I believe this is the perfect time to release the movie kasi, sorry ayoko nang umiyak kaso yung huling image of my dad was, it wasn’t nice. Hopefully this erases that,” pag-amin ni Janno.
Ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” ay dream directorial project ni Janno dahil dito rin natupad ang matagal na niyang pangarap na maging direktor at co-star ng tatay niya.
“He’s been living with me for almost a year so umpisa pa lang, concept pa lang, all throughout the process, ikinukuwento ko na sa kanya. Nagkukuwentuhan na kami. He’s really proud of me,” sey pa ng komedyante.
Sa ngayon daw ay binabantayan ng kanyang pamilya ang mental health ng isa’t isa, “But I’m good. It’s good that I got the not-so-good details nu’ng isang presscon ko, I’m sure you are all aware of that.
“I wanted to get that out of the way para makapag-promote, alangan namang pumunta ako dito promoting my film, very sad at maraming tinatagong galit, lungkot at hinanakit. I wanted to get it out of the way and I did,” aniya pa hinggil sa kontrobersyal na pagkamatay ni Ronaldo noong December 17.
Aniya pa, napakalaki rin daw ng naitulong sa kanilang pamilya ng pagbabakasyon nila sa ibang bansa ilang araw matapos pumanaw ang veteran actor.
View this post on Instagram
Kuwento ng actor-director matagal nang nakaplano ang holiday vacation nila at nagdesisyon nga ang kanilang pamilya na ituloy pa rin ito sa kabila ng nangyaring trahedya.
Baka Bet Mo: Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok
“That travel, which got some bashing also, sabi ng iba parang nagsasaya agad after, but that was a scheduled trip which, noong una, one of my kids said, ‘Wag na nating ituloy dahil nangyari ito.’
“Sabi ko, ‘Hindi. The more we should go through with it. Ituloy natin because we need it para makahinga. Para makalayo sa mga tsismis and everything.’ It helped a lot.
“Family is the best comfort. Medyo sa ngayon, hanggang ngayon, hindi kami puwedeng mapag-isa so kailangan kung nasaan yung isa, dadamayan, sasamahan mo.
“Hindi pa kami…wala pa kami sa stage na yon. So, hindi pa kami puwedeng mag-isa. Kailangan magkakasama kami,” paliwanag pa niya.
Makakasama naman ni Janno sa “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” sina Anjo Yllana, Xia Vigor, Juliana Parizcova Segovia at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.