Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today! | Bandera

Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!

Therese Arceo |February 10,2023
facebook
share this

Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!

Therese Arceo - February 10, 2023 - 05:43 PM

Belle Mariano mala-girlfriend ang pagbati kay Donny: Celebrating you today!
MAIKLI ngunit punung-puno ng emosyon ang naging pagbati ng Kapamilya actress na si Belle Mariano sa kanyang ka-love team at rumored boyfriend na si Donny Pangilinan.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ng dalaga ang mga larawan ng aktor.

“Celebrating you today, happy birthday nato :)))” saad ni Belle sa caption.

Ngayong araw kasi ay ipinagdiriwang ni Donny ang kanyang ika-25th birthday.

Marami naman sa mga netizens maging mga kaibigan nila sa showbiz ang talagang kinilig sa simpleng pagbati ni Belle kay Donny.

“YSUUUUUS nakunakunakunakuuuu!” pang-aasar ng kanilang co-actor sa “He’s Into Her” na si Vivoree.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)

Sey naman ng isang fan, “SOLO POST ANG ATAKE SANAOL!”

“Yan ang happy birthday indeed,” sabi naman ni Criza Taa na kasama rin nila sa “He’s Into Her”.

Marami rin sa mga fans ang ayaw kumalma dahil tila “launch” daw ang pagbandera ni Belle ng larawan ni Donny sa kanilang tunay na relasyon.

“Confirmed sila na nga my haaaart,” sabi ng isang fan.

May isa pa nga na nagsasabing tila magkaholding hands raw sina Belle at Donny sa third photo.

“Feel ko may pa hawak kamay sa 3rd pic!!!!!! Panindigan n’yo kilig ko pls,” sey pa ng isang fan.

Ayon sa interview ni Belle kay Karen Davila, una silang nagkakilala sa pelikulang “James & Pat & Dave” kung saan nagkaroon siya ng cameo appearance.

Matapos nito ay na-launch ang dalawa bilang loveteam sa series na “He’s Into Her” na talaga namang tinangkilik ng madlang pipol.

Sa kabila naman ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa ay wala pa ring kumpirmasyon kung in a romantic relationship na nga ang dalawa ngunit aminado si Belle at Donny na “special” ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Related Chika:
Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Tambalang Donny-Belle susunod sa kasikatan ng KathNiel at Lizquen

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya bang isakripisyo nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang love para sa kanilang pangarap?

Belle Mariano, Donny Pangilinan muling maghahatid ng kilig sa madlang pipol, bibida sa bagong music video ni Zack Tabudlo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending