Tambalang Donny-Belle susunod sa kasikatan ng KathNiel at Lizquen Bandera

Tambalang Donny-Belle susunod sa kasikatan ng KathNiel at Lizquen

Reggee Bonoan |July 21,2021
share this

Tambalang Donny-Belle susunod sa kasikatan ng KathNiel at Lizquen

Reggee Bonoan - July 21, 2021 - 09:15 AM

SINA Belle Mariano at Donny Pangilinan na nga kaya ang susunod sa yapak ng kasikatan ng LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) at KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla)?

Ang ingay kasi ng Donny-Belle loveteam ngayon dahil sa series nilang “He’s Into Her” na kasalukuyang napapanood kada Biyernes, 8:30 p.m. sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. 

Napapanood din ang serye tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page.

Kaya namin nabanggit ang Donny-Belle tandem ay dahil sila ang bukambibig ngayon ng mga manonood at netizens lalo’t hindi na yata aktibo ang tambalang Maymay Entrata at Edward Barbers o MayWard na talaga namang sumikat din noong magsunud-sunod ang kanilang mga projects na magkasama.

Waley na rin ang JaDine nina James Reid at Nadine Samonte pagkatapos nilang maghiwalay bilang magkarelasyon sa tunay na buhay.

In fairness bagay naman din talaga sina Donny-Belle kaya sila nag-click sa “He’s Into Her”,  nakadagdag pa ang ganda ng soundtrack nito na kinanta ng BGYO.

Ang takbo ng kuwento ay pinag-aagawan si Max (Belle)ng dalawang lalaki na ngayon ay bumabalik sa kanya ang ex-boyfriend na si RJ (Jeremiah Lisbo) habang nililigawan siya ni Deib (Donny) sa huling dalawang episodes ng serye.

Todo na ang pagporma ni Deib kay Max para makuha ang matamis na “oo” nito. Ngunit maaaring manganib ang namumuo nilang pagititinginan sa pagdating ni RJ, na siya ring kilalang karibal ni Deib sa basketball.

Pagkatapos i-ghost si Max noon, nagpakitang muli si RJ para humingi ng tawad at ayusin ang pagkakaibigan nila. 

Kahit si RJ ang dahilan kung bakit siya naging broken-hearted, pinatawad din ni Max ang dating kasintahan pagkatapos malaman ang hirap na pinagdaanan nito nang mag-isa sa ibang bansa.

Wala namang kaalam-alam si Deib na nagkita ulit ang dalawa at nagkaayos na. 

Pero hindi lang si RJ ang banta sa pag-ibig nina Max at Deib dahil maging ang ex-girlfriend ni Deib na si Kimeniah (Dalia Verde) ay nagbalik din para sirain ang namumuo nilang relasyon.

Ano ang magiging reaksyon ni Deib kapag nalaman niyang bumalik si RJ sa buhay ni Max?

  

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending