Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud Bandera

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Therese Arceo |September 23,2022
share this

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud

Therese Arceo - September 23, 2022 - 02:02 PM

Belle Mariano wagi sa 17th Seoul International Drama Awards, Donny super proud
WINNER ang “He’s Into Her” lead star na si Belle Mariano sa naganap na 17th Seoul International Drama Awards matapos siyang makatanggap ng parangal bilang “Outstanding Asian Star” na ginanap sa South Korea.

Gumawa nga ng history ang young star dahil siya ang kauna-unahang Pilipino na nagawaran ng parangal mula sa naturang international awards.

Super pretty ni Belle nang rumampa ito sa red carpet habang suot-suot ang pink gown na may off-shoulder neckline na gawa mismo ng Filipino designer na si Francis Libiran.

At sa kanyang speech ay ibinandera niya ang kanyang pagiging proud na Pilipino at pinasalamat ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang journey.

“Thank you for giving me this life-changing opportunity. To my bosses and management, Star Magic and Rise Artist Studio, thank you. Thank you as well for the cast, production crew of ‘He’s Into Her.’ Maraming, maraming salamat. Of course, to my partner Donny Pangilinan, it has been an amazing journey with you. Here’s to more and I share this honor with you,” saad ni Belle.

Hindi rin naman nakalimutan ng aktres na pasalamatan ang lahat ng kanilang fans na walang sawang nagbibogay suporta sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano 🧚 (@belle_mariano)

Dagdag ni Belle, “Of course, the supporters as well. I will not be here without you guys. Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo. And lastly, to the woman who molded me to the woman I am today, my mother, thank you so much. I love you, mahal ko kayong lahat at mabuhay tayong lahat.”

Proud na proud naman ang onscreen partner at rumored boyfriend nitong si Donny Pangilinan.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng aktor ang larawan ni Belle habang tinatanggap nito ang kanyang parangal.

“This is your day. So proud of you @belle_mariano. More to come,” saad ni Donny.

Marami naman ang kinilig dahil sa pagtawag ni Belle ng “my partner” sa binata.

Noon pa man ay marami nang bulung-bulungan ukol sa tunay na relasyon ng dalawa.

Sa katunayan ay nito lang nang maintriga sina Belle at Donny matapos tila madulas si Julia nang sabihin na “taken” na ang binata nang naging guest player ito sa “Maritest”, isang segment ng “Lunch Out Loud”.

Hanggang ngayon naman ay wala pa ring direktang kumpirmasyon ang dalawa kung magdyowa na nga ba sila.

Related Chika:
Belle Mariano itinanghal na Outstanding Asian Star 2022 sa 17th Seoul International Drama Awards

Belle Mariano mas naging palaban dahil sa ‘He’s Into Her’: Ang matapang umiiyak pero hindi nagpapasindak

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Donny, Belle totoong-totoo ang ‘relasyon’, magkasabay na nagma-mature bilang magka-loveteam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending