Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda | Bandera

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Therese Arceo |November 10,2021
facebook
share this

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

Therese Arceo - November 10, 2021 - 06:26 PM

Belle Mariano sinupalpal ang netizen na nagsabing hindi siya maganda

MARAMI ang humanga sa naging paraan ni Belle Mariano sa mga pambabatikos na ibinabato ng ibang netizens sa kanya.

Noong Nobyembre 3 kasi ay nagkaroon livestream ang dalaga kung saan kumanta ang dalaga bilang pakikipag-bonding sa kanyang mga supporters.

Ilan sa mga kinanta ni Belle ay ang “I Knew You Were Touble” at “Maybe This Time”.

Habang kumakanta ang aktres ng “Maybe This Time” ay saglit itong tumingin sa screen upang tignan ang mga comments sa kanya ng netizens.

Tila nagbago ang itsura ng mukha nito na kani-kanina lang ay may matamis na ngiti sa labi. Saglit itong napakunot noo habang binabasa ang mga comments.

“Hindi ka maganda,” pambabash kay Belle.

Maya-maya naman ay may muling nag-comment at nilait naman ng mga ito ang ilong ng dalaga.

“Ang laki ng ilong,” sey naman ng isa.

Dito nga ay naging palaban ang sagot ni Belle sa kanyang mga bashers.

“Sa lahat po ng nagsasabi ng negative comments, thank you still for watching my live,” saad ni Belle.

Marami rin sa mga supporters ng dalaga ang rumesbak sa mga nangbabash sa batang aktres. Sinabi ng mga ito na inggit lang mga bashers kay Belle kaya sila nangne-nega sa aktres.

“Sa mga bashers ni Belle, siguraduhin mong may mas igaganda ka pa sa kanya ha?”

May mga gumamit rin sa video clip ni Unkabogable Star Vice Ganda patungkol s mga bashers.

“Bash nang bash dun sa artista, pero pinapanood nila yung artista… Ayaw niyo pala, galit pala kayo, e, di iwasan niyo makita, iwasan niyo pakinggan. Bakit tinututukan niyo? Tanga ka?” saad ni Vice sa video na ginamit ng mga supoorters ni Belle.

Bata pa lang ay nasa showbiz na si Belle. Nagkaroon na rin ito ng mga teleserye noong bata gaya ng “Hawak Kamay” kasama sina Piolo Pascual, Iza Calzado, at Andrea Brillantes.

Gumanap rin ito bilang nakababatang Gabbi sa pelikulang “Four Sisters and A Wedding” noong 2020.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Belle Mariano (@belle_mariano)

Ngayon naman ay patuloy na gumagawa ng pangalan ang batang aktres na ka-love team ni Donny Pangilinan sa series na “He’s Into Her”.

Related Chika:
DonBelle fans niregaluhan ng bonggang billboards sina Donny at Belle sa US, Korea at Switzerland
Belle Mariano umaming nawalan na ng pag-asa sa showbiz: Anong nangyayari, ba’t ganito?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending