Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang 'age filter app' video sa TikTok | Bandera

Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok

Ervin Santiago |July 19,2023
facebook
share this

Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang ‘age filter app’ video sa TikTok

Ervin Santiago - July 19, 2023 - 07:05 AM

Janno Gibbs na-sad sa pang-iinsulto ng bashers sa kanyang 'age filter app' video sa TikTok

Janno Gibbs

DISMAYADO ang veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs sa pang-ookray sa kanya ng ilang netizens dahil sa ipinost niyang video sa TikTok video.

In fairness, umabot na sa mahigit na 7 million views ang nasabing TikTok video ni Janno kung saan kumasa siya sa paggamit ng nauuso ngayong age filter app.

Makikita sa naturang video si Janno na  pinatanda ang itsura at halos lahat ng nakapanood nito ay nagsabing kamukhang-kamukha niya ang kanyang tatay, ang award-winning veteran actor na si Ronaldo Valdez.

Ang caption na inilagay ng komedyante sa kanyang TikTok entry ay, “Janno – Ronaldo #tiktokfilters.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Feeling grateful and thankful ang TV host-comedian nang makita niya ang ginawang istorya ng GMA News Online tungkol sa kanyang TikTok video.

Ngunit kasabay nito, medyo nalungkot lang daw siya dahil sa mga nakakaloka at kanegahang comments ng mga netizens sa naturang article na nasa Facebook.

May mga nagsabing mas guwapo naman daw at mas professional si Ronaldo Valdez kesa sa kanya. Kilala raw kasi si Janno bilang artista na laging late sa kanyang commitments.

Ilang netizens din ang nagkomento na mas kamukha raw niya ang isa pang veteran comedian na si  Leo Martinez kesa sa tatay niya.

Comment ng isa pang basher, “I’m sorry to say but your Dad’s shoes are too big for you. You should be proud of him anyway.”

Baka Bet Mo: LOOK: Kathryn sobrang saya makatrabaho si Ronaldo Valdez

“D hamak na gwapo c ronaldo valdez magling p n actor hindi corny… mlyo sa anak.. lol!” pang-iinsulto ng isang netizen kay Janno.

Hirit naman ng isang FB user, “The senior is fairer than the junior. And wiser too.”

Kasunod nga nito, ni-repost ni Janno sa kanyang Instagram account ang nasabing article pati na ang mga pang-iinsulto sa kanya ng mga haters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Ang caption ng komedyante sa kanyang IG post, “Flattered to be featured on @gmanews. This Tiktok has reached 7M views. Just sad to read the negative comments bordering on insults. FB can be a nasty place. Still grateful tho. Read the comments.”

Narito naman ang ilang mensahe ng IG followers ni Janno sa kanyang hugot post.

“Sir @jannolategibbs naka ripple effect yan. May isang nag comment ng mean, gagayahin lang ng iba. Then they get this feeling of satisfaction na same sila ng thoughts ng iba.”

“Inggit Lang Yang mga bashers Kasi wala silang daddy na Ronaldo Valdez. Kahit manigas sila SA galit wala silang magagawa dahil Ikaw at anak Ng isang Ronaldo Valdez.”

“Marami talaga nega na bashers sa fb. You are a great actor and comedian sir Janno. Don’t mind them. They can never reach what you have right now. Fb is really full of bashers na walang magawa.”
“SA Facebook mo LAHAt LAHAt makikita ang ugaling imbornal Ng mga halos LAHAt Ng mga pilipino.sa TOTOO Lang.”

“Kinu compliment ang dad by bashing the son. Guys, come on! Kung hindi ka magulang, sure ko na anak ka! You think hindi masasaktan ang dad sa pag bash nyo sa anak nya?”

Ronaldo Valdez: Napakasarap kasama ni Kathryn tapos ang galing-galing pa, si Daniel naman para ko na talagang apo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Open letter ni Kathryn Bernardo kay Ronaldo Valdez nakakaiyak: ‘You are the lolo I never had…I love you so much!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending