Anak ni Janno Gibbs first Asian female outside USA na mag-design ng Air Jordan, may regalo kay Leni Robredo Bandera

Anak ni Janno Gibbs first Asian female outside USA na mag-design ng Air Jordan, may regalo kay Leni Robredo

Therese Arceo |January 24,2023
share this

Anak ni Janno Gibbs first Asian female outside USA na mag-design ng Air Jordan, may regalo kay Leni Robredo

Therese Arceo - January 24, 2023 - 04:20 PM

Anak ni Janno Gibbs first Asian female outside USA na mag-design ng Air Jordan, may regalo kay Leni Robredo
SUPER proud daddy ang singer-comedian na si Janno Gibbs sa kanyang anak na si Alyssa Loyzaga Gibbs na kauna-unahang Asian female na nag-design ng mamahaling sapatos na Jordan.

Sa kanyang Instagram post ay ibinandera niya ang latest achievement ng kanyang anak.

Saas ni Janno, “Incredibly proud of my @chiiloyzagagibbs as the 1st Asian/Female (outside the U.S.) to design a Jordan for the @titan_22 X @jumpman23 AirJordan2 collab. Honoring her Lolo Caloy Loyzaga.”

Sa hiwalay na Instagram post naman ay ibinahagi ng singer-comedian ang pagkikita nila ni dating Vice President Leni Robredo upang personal na ihatid ang regalo ng kanyang anak.

May isang pares kasi ng sapatos na idinisenyo ng anak ni Janno na balak niyang ibigay sa abogado at dating bise presidente ng bansa.

“Happy to personally deliver Chi Loyzaga Gibbs gift of her AirJordans to Mam Leni Gerona Robredo Atty. Leni Robredo,” pagbabahagi ni Janno.

Dagdag pa niya, “We had a pair specially for her since the shoe came out,but Leni was in the U.S. Chi would have loved to hand them herself but shes in SG.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

“From a woman who inspired a global brand to a woman who inspired a nation. Thrilled to see you again Mam.”

Ibinandera rin ng anak ni Janno sa kanyang Instagram story ang larawan ng kanyang ama kasama si Atty. Leni habang tinatanggap ang sapatos.

“Asked my dad @jannolategibbs to give a pair of titan AJ2S to Ma’am @attylenirobredo. She has and always be a huge inspiration to me. So kilig to see her fet hair pair huhuhu,” saad ni Chi.

Nagpasalamat naman si Atty. Leni sa natanggap na regalo mula kay Chi at ikinuwentong nabasa niya ang kwento patungkol sa sapatos at na-touch siya rito.

Inaabangan naman ng mga netizens kung kailan ito isusuot ng dating bise presidente lalo na’t nakilala ito na talagang ginagamit at na-a-appreciate ang lahat ng regalong natatanggap.

Related Chika:
Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?

Janno Gibbs may pakiusap kay Darryl Yap, curious sa bashers: May GC ba kayo?

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending