Janno Gibbs may pakiusap kay Darryl Yap, curious sa bashers: May GC ba kayo? Bandera

Janno Gibbs may pakiusap kay Darryl Yap, curious sa bashers: May GC ba kayo?

Therese Arceo |August 11,2022
share this

Janno Gibbs may pakiusap kay Darryl Yap, curious sa bashers: May GC ba kayo?

Therese Arceo - August 11, 2022 - 04:13 PM

Janno Gibbs may pakiusap kay Darryl Yap, curious sa bashers: May GC ba kayo?
USAP-USAPAN na naman ang singer-comedian na si Janno Gibbs sa social media matapos siyang magpaabot ng pakiusap sa “Maid in Malacañang” director na si Darryl Yap.

Sa kanyang Instagram account ay may nakiusap siyang gawan sana ng pelikula ang kwento ng kanyang buhay.

“Gawan mo naman ng movie ang buhay ko. Request: Gawin mo kong matangkad, matangos at hindi nale-late sa work,” saad ni Janno.

Pabirong dagdag pa niya, “Wag mo rin isama yung mga chicks na nali-link sa akin.”

Sa caption naman ni Janno ay makikitang may pakiusap rin siya sa mga news outlet na magpi-pick up ng kanyang IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

“Labyu Direk! (peace sign and red heart emoji) Sa mga news portal na mag pickup nito: Wag nyo tanggalin yung emojis at gawing seryoso ha!” hirit ng singer-comedian.

Marami naman ang naaliw sa birong hiling ni Janno sa isa sa mga kontrobersyal na direktor ngayon.

“For sure blockbuster rin yan idol,” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Love you po Pedro Penduko.”

“Pwede po bang gumanap na witness?” sey naman ng isa.

Samantala, mukhang matapos ang havey na havey na biro ni Janno ay marami naman sa mga trolls ang sumeryoso sa kanyang joke time na kahilingan kay Darryl Yap.

Sa hiwalay na IG post ng singer-actor kahapon, August 10 ay tila naku-curious siya at hindi niya maintindihan kung bakit sabay-sabay ang bugso ng mga bashers niya.

“Bakit ganon? Pag dumating ang bashers, sabay sabay sunud-sunod sa isang araw,” sey ni Janno.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Dagdag pa niya, “At dumarating sila pag madami ng likes ang post.”

Kaya naman napatanong siya kung nag-uusap-usap nga ba ang mga ito.

Hirit ni Janno, “May GC ba kayo? Laging sinasabi laos na ako, papansin. Bakit niyo pinapansin?”

Sey ng isang netizen, “Janno bashers/trolls sa GC be like: ‘Okay mga marites, pag nagpost si Janno na puro kontra, mag-troll kayo. The more, the merrier. Ang umayaw siya ang manlilibre ng Chickenjoy na may extra rice. Deal?”

“Wow. I thought they are busy being happy and they have time to spare? Wow, what happened?” chika naman ng isa.

Related Chika:
Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?

Janno may pakiusap sa mga tagasuporta ni Bongbong Marcos: Stop referring us as the other side

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending