Janno may pakiusap sa mga tagasuporta ni Bongbong Marcos: Stop referring us as the other side
NAKIUSAP ang singer-actor na si Janno Gibbs sa mga tagasuporta ni Pangulong Bongbong Marcos na sana’y itigil na ang ginagawang pambabatikos sa mga taong sumuporta sa kandidatura noon ni dating Vice President Leni Robredo.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang mensahe sa mga kapwa Pilipino.
“The elections are long over. There are no more sides now. We are all back to being just citizens. After all, the new [government’s] victory or failure will be our country’s as well,” saad ni Janno.
Aniya, dapat daw makinig ang mga ito sa panawagan ni Pangulong Bongbong na “unity” o pagkakaisa.
“The call of PBBM is for Unity. So listen to him and stop referring to us as the other side. It seems you think the new govt should only serve those who voted for them,” pagpapatuloy ni Janno.
Giit pa niya, “You are not the Philippines. We all are.”
Gumamit pa nga ang aktor ng hashtag na “#PagkakaisaHindiPagkaisahan”.
Marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa pahayag ni Janno.
“Correct, we are on the same boat. If the captain fails, we all will. We are all Filipinos whoever we voted for,” saad ng isang netizen.
View this post on Instagram
Comment naman ng isa, “Nanalo na ang gusto nila pero dila pa ang hindi maka-move on.”
“Totally agree. Let us unite and help each other,” dagdag naman ng isa.
Isa si Janno sa mga artistang nagpakita ng suporta sa kandidatura nina Leni Robredo at Kiko Pangilinan noong nagdaang eleksyon.
Isa rin ang aktor sa mga vocal sa pagsasabi ng kanyang opinyon ukol sa mga social at political issues na kinakaharap ng bansa.
Sa katunayan, madalas ngang mag-trending ang aktor dahil panay ang batikos at pagpansin sa kanyang mga posts ng mga netizens na matapang rin naman niyang sinasagot.
Kamakailan nga lang nang may mag-comment sa kanyang post kung saan humingi siya ng tawad sa mga netizens dahil sa kanyang mga posts.
May ilang netizens ang patuloy na nangnega sa kanya at idinamay pa ang dating bise presidente.
Sey ng isang netizen, “Bakit nakakalungkot? Porket di nanalo si Leni malungkot na? You are so funny. It’s good that you will [go] back to work ba lang tapos reklamo uli sa tax.”
Hindi naman ito pinalagpas ni Janno st sinagot ang netizen.
“Kay Leni na lang ba umiikog ang mundo? Mas nakakatawa ka. Hindi mo pa rin siya makalimutan. Pati mga posts ko na walang kinalaman sa kanya, siya pa rin iniisip mo,” sagot ni Janno.
Related Chika:
Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?
Banat ni Janno sa basher na natutuwa pa sa pagkakasakit ni Kris: Pure evil!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.