Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo? Bandera

Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?

Therese Arceo |July 09,2022
share this

Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?

Therese Arceo - July 09, 2022 - 07:12 PM

Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?
MULI na namang sinupalpal ng singer-actor na si Janno Gibbs ang kanyang bashers sa social media.

Tila ayaw tigilan ng mga bashers ang aktor na ilang araw na ring nagte-trending dahil sa kanyang matapang na pagsagot sa mga netizens na panay ang pagbibigay sa kanya ng negatibong komento.

Noong July 7 ay humingi siya ng paumanhin sa kanyang mga followers dahil sa madalas niyang pagpo-post ng mga social at political issues.

“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately. Ito pong July ay magiging busy na po ako uli sa showbiz. May bago po akong mga movie at kanta,” saad ni Janno.

“Gusto ko lang po maghayag ng gustong sabihin ng iba ngunit di masabi. Sadyang nakakalungkot lang talaga ang mga nangyayari sa bansa. Ibabalik ko din po ang posts ko na good vibes,” dagdag pa nito.

Umani naman ang kanyang post ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.

May mga nagsabing okay lang naman daw ang mga ipinopost ni Janno at nakaka-relate sila dito. May mga nagsasabi ring sarili naman niya itong account kaya walang pake ang iba kung anong gusto niyang ilagay.

“I personally like your political posts,” saad ng netizen.

Comment ng isang netizen, “I actually enjoy your posts. Tama naman mga postings mo eh. You’re just speaking your heart. If ayaw nila mga posts mo eh di wag nila basahin. Good vibes lang lagi.”

“Bro para sa bayan yan. Many may not realize the big impact kasi convenient pa sila, but in the future, I hope nalaman nila ang katotohanan, then, they will understand us, yung mga sentiments natin ngayon. Hope the future generation can correct,” hirit pa ng isa.

Pero mayroon rin talagang ayaw tantanan si Janno at patuloy na ninenega ng mga bashers.

Ibinahagi pa nga niya sa kanyang Instagram stories ang mga negative comments mula sa netizens.

Sey ng isang netizen, “Bakit nakakalungkot? Porket di nanalo si Leni malungkot na? You are so funny. It’s good that you will [go] back to work ba lang tapos reklamo uli sa tax.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

 

Hindi naman ito pinalagpas ni Janno st sinagot ang netizen.

“Kay Leni na lang ba umiikog ang mundo? Mas nakakatawa ka. Hindi mo pa rin siya makalimutan. Pati mga posts ko na walang kinalaman sa kanya, siya pa rin iniisip mo,” sagot ni Janno.

Matatandaang isa ang aktor sa mga naging aktibo sa pagpapakita ng suporta sa naging kandidatura ng dating Bise Presidente Leni Robredo at ng ka-tandem nitong si dating Sen. Kiko Pangilinan na tumakbo bilang pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.

Related Chika:
Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Banat ni Janno sa basher na natutuwa pa sa pagkakasakit ni Kris: Pure evil!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending