Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa 'yo Bandera

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo

Therese Arceo |September 27,2022
share this

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo

Therese Arceo - September 27, 2022 - 08:14 PM

Janno Gibbs diretsahang sinabi kay Ogie Diaz: Nagkaroon ako ng sama ng loob sa 'yo
AMINADO ang singer-actor na si Janno Gibbs na talagang sumama ang loob niya sa talent manager at comedian na si Ogie Diaz.

Ito ay kaugnay sa mga nasabi nito nang magbigay ang huli ng opinyon kaugnay sa isyu niya sa kapwa komedyante na si Kitkat Favia.

Pagkukwento ni Janno, naghahanap lang rin siya ng magandang timing para kausapin si Ogie.

At mukhang ang interview na nga ng talent manager sa King of Soul ang perfect timing para mapag-usapan nila ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa.

“Hindi naman kaila sa ‘yo at saka sa kanila siguro na totoo ‘yun, nagkaroon ako ng sama ng loob sa ‘yo pero hindi naman ako ‘yung tipo ng tao na nagtatanim [ng sama ng loob] ng matagal,” saad ni Janno.

Doon nga ay nabanggit ni Ogie na siya ang unang bumati noon sa aktor nang magkita sila sa isa sa naging campaign rally ni dating Vice President Leni Robredo noong tumakbo ito sa pagkapangulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Dito ay sinabi niyang mahirap rin naman talaga ang may kaaway sa industriya lalo na’t maliit lang ang mundo nila na sinang-ayunan naman ni Janno.

Nang balikan naman nila ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay diretsahan nang binanggit ng mang-aawit na hindi nito nagustuhan ang ilang pahayag ni Ogie laban sa kanya.

“I-straight ko na. Hindi ko nagustuhan ‘yung isang sinabi mo about merong malaking pumutok na isyu about sa akin. Noong una mayroon kang mga ‘diumano’, okay lang ‘yun sa akin… towards the end nag-ano ka na, nag-personal opinion ka na,” sagot ni Janno.

Ang sinasabi ng singer ay ang kanyang naging isyu sa kapwa komedyanteng si Kitkat na napag-usapan nina Ogie sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update”.

“‘May attitude ‘yan’, ‘may mental health issues’. Sabi ko, ‘medyo below the belt na yun’ for me,” dagdag pa ni Janno patungkol sa mga nasabi ni Ogie laban sa kanya.

Nag-sorry naman ang talent manager sa kanyang mga sinabi laban sa singer-actor noon na tinanggap naman nito.

“Now that I think of it, valid naman ‘yung sinasabi mo because hindi pa naman tayo actually nagkatrabaho. So most of what you are saying [ay] yung mga naririnig mo from other actors, production people so medyo naiintindihan ko naman,” sey pa ni Janno.

Sa ngayon ay maayos na talaga ang lahat sa pagitan ng dalawa.

At dito nga ay napag-usapan rin nila ang isyu na naging dahilan ng pagsama ng loob ni Janno at ito nga ay ang away sa pagitan nila ni Kitkat.

Hindi na siya nag-elaborate pa ng mga pangyayari sa pagitan nila bilang respeto sa Net25 kung saan sila parehas na nagtatrabaho noong mangyari ang isyu pero sinabi niya na hindi lang siya ang may kasalanan sa mga nangyari.

Inamin niya na minura nga talaga niya ang sexy comedienne at matapos nga nito ay sinabihan sila na makakabalik lang sila sa trabaho kung magkakaayos sila nang hindi humihingi ng tulong sa ibang tao.

“So ako ang nag-reach out sa kanya. For two weeks nililigawa ko ‘yun. Wala akong number n’ya so manager niya nakakausap ko. Sabi ko ‘Wala na sa akin ‘yun. Balik na tayo sa trabaho. Okay na sa akin’. Ayaw na.

“Sayang ‘yung work because I love what I was doing there,” salaysay ni Janno.

Nang tanungin naman siya kung napatawad na niya si Kitkat, sinabi niyang ang pinapatawad lang ay ang humihingi ng tawad.

Hiling rin naman niya na sa tamang panahon ay magkaayos sila at nag-congratulate rin siya sa pagkakaroon ng baby ni Kitkat.

Related Chika:
Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?

Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Janno Gibbs sa kinasangkutang video scandal noong 2018: Hindi ako yun…talagang medyo na-down ako nu’n

Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending