Janno Gibbs sa kinasangkutang video scandal noong 2018: Hindi ako yun...talagang medyo na-down ako nu'n | Bandera

Janno Gibbs sa kinasangkutang video scandal noong 2018: Hindi ako yun…talagang medyo na-down ako nu’n

Ervin Santiago |September 27,2022
facebook
share this

Janno Gibbs sa kinasangkutang video scandal noong 2018: Hindi ako yun…talagang medyo na-down ako nu’n

Ervin Santiago - September 27, 2022 - 08:09 AM

Janno Giibs

DIRETSAHANG ibinandera ng veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs na hindi raw siya ang nasa video scandal na nag-viral noong August, 2018.

Ayon sa komedyante, kamukhang-kamukha lang daw niya ang lalaking “bida” sa nasabing video na talaga namang pinag-usapan nang bonggang-bongga noon ng madlang pipol.

Nakachikahan ni Ogie Diaz sa bago niyang YouTube vlog si Janno at dito nga nila napag-usapan ang naturang iskandalo na yumanig sa social media apat na taon na ngayon ang nakararaan.

Natanong kasi ng talent manager at vlogger si Janno kung anu-ano ang mga isyu na ibinabato sa kanya ng bashers na talagang sinasagot at pinapatulan niya.

Aniya, nang dahil daw sa video scandal na yun ay nakakatanggap pa rin siya ng malilisyoso at bastos na comments mula sa netizens. Feeling niya ay kakabit na ng pangalan niya ang nasabing issue.

“Ang isa sa hirap akong sagutin at yun talaga bina-block ko at sinasagot ko nang matindi, yun ang isasagot sa akin, yung scandal ko. ‘Naku, si Janno,’ magpu-post pa sila ng picture.

“Minsan kinu-comment pa nila sa post ng mga anak ko. Yun ang hindi ko gusto,” pahayag ni Janno na ang tinutukoy ay ang dalawang anak nila ni Bing Loyzaga na sina Alyssa at Gabby Gibbs.

Ipinagdiinan ng komedyante na kamukha lang niya ang nasa video at sumusumpa siya na hindi talaga siya yun, “Ang hirap sagutin. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na hindi ako yun.

View this post on Instagram

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


“Either sobrang kamukha ko. Hindi naman sobrang ano ng face ko, e. Marami akong kahawig o technically manipulated.

“Madali na ngayon yun. Nakikita mo naman na sila Keanu Reeves, puwedeng ipatong.

“But ang problema, pinaniwalaan ng isang tao kung ano ang gusto niyang paniwalaan. Yun ang mahirap, e. Hindi makikinig,” paliwanag ng veteran comedian.

Sey naman ni Ogie, ngayon lang daw niya nalaman na hindi si Janno ang nasa video. Hirit uli ni Janno sa kanya, “Hindi ako yun. Kaya lang, kahit anong sabi ko na, ‘Hindi ako yun,’ binabato pa rin sa akin.

“So, maano sa akin yun, very sensitive sa akin yun. Kasi nakakahiya naman sa mga anak ko,” dugtong pang sabi ng komedyante.

Kung matatandaan, inamin ni Janno na sobra siyang naapektuhan sa kumalat na video scandal dahil nga pinaniwalaan na ng mga tao na siya ang lalaking naroon.

“Talagang medyo na-down ako, hindi ko naman itinatanggi yun. But now, I’m very happy na I’m with Viva, at bumabalik ulit ang confidence ko. Medyo missing in action talaga, admittedly.

“Ayoko nang masyadong pahabain, but I must admit na nagkaroon ako ng problema dito, problema diyan, but since I signed with Viva as an artist, sila na po ang bahala as manager ko ngayon, feeling ko ay unti-unti nang naaayos ulit,” pahayag pa ng magaling na comedian.

May pagkakataon pa nga na niresbakan ni Janno ang isang netizen na nagtanong tungkol sa nasabing video scandal.

Sey ng basher, “Si jim paredes umamin na sa j**** scandal nya umamin kn din mas nauna pa sayo.” Na nireplayan ni Janno ng, “Mag post ka muna ng kahit isa sa account mo.. baka umamin ako! Hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mahilig ka pala manood ng mga nagjaj**** na lalake…hahaha,” ang pang-asar pang bwelta ng komedyante sa netizen.

Janno Gibbs sinagot ang basher: Kay Leni na lang ba umiikot ang mundo?

Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

Young actor ubod pa rin ng yabang kahit minalas at nawalan ng raket dahil sa video scandal

Joshua malaki ang utang na loob sa KathNiel: Sobrang swerte ko na naging kaibigan ko sila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending