Anjo umaming hindi pa rin sila nagkakabati ni Jomari, handang makipag-ayos pero may kundisyon...ano kaya yun? | Bandera

Anjo umaming hindi pa rin sila nagkakabati ni Jomari, handang makipag-ayos pero may kundisyon…ano kaya yun?

Ervin Santiago |January 13,2023
facebook
share this

Anjo umaming hindi pa rin sila nagkakabati ni Jomari, handang makipag-ayos pero may kundisyon…ano kaya yun?

Ervin Santiago - January 13, 2023 - 01:52 PM

Anjo umaming hindi pa rin sila nagkakabati ni Jomari, handang makipag-ayos pero may kundisyon...ano kaya yun?

Janno Gibbs, Anjo Yllana at Jomari Yllana

“KUNG gusto niyang pumunta sa akin para makipag-usap open ako, hindi ako makikipag-away at handa akong makipagbati.”

Yan ang bahagi ng pahayag ng TV host-actor na si Anjo Yllana tungkol sa matagal ng samaan ng loob na namamagitan sa kanila ng nakababatang kapatid na si Jomari Yllana.

Nakausap namin si Anjo pagkatapos ng presscon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Hello, Universe” kasama ang best friend niyangsi Janno Gibbs kahapon.

At dito nga namin kinumusta kung nagkaayos na sila ni Jomari matapos magkaroon ng issue sa kanila na may kaugnayan sa naganap na eleksyon noong nagdaang taon.

Umatras si Anjo sa kanyang kandidatura sa 4th district ng Camarines Sur last May, 2022 elections dahil ibinulsa umano ni Jomari at ng girlfriend nitong si Abby Viduya ang kanyang campaign funds. Mariin naman itong tinanggi ng kampo ni Jom.

Inamin ni Anjo na hindi pa rin sila nagkakaayos ng kapatid kahit na dumaan na ang Pasko at Bagong Taon.

“We haven’t spoken for almost a year, hindi pa kami nag-uusap at meron kaming hindi pagkakaunawaan, to be honest.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

“Hindi na naman ako galit, pero yes, nagalit ako, nagtampo ako but tapos na yun, e. Though wala pang closure at wala pang nagri-reach out,” ang simulang pahayag sa amin ni Anjo.

Tinanong din namin kung hindi ba niya naiisip na siya na ang gumawa ng paran para magkausap na sila ng nakababatang kapatid, “Panganay ako, e (sabay tawa). Pero handa naman akong tanggapin (kapag nag-sorry). For me kasi, tapos na yun, e.

“Ang sa akin lang, being the eldest, bilang parang padre de pamilya na, kasi for so many years nu’ng nagkasakit ang tatay ko I took care of them (mga kapatid), pinag-aral ko yan (Jomari), inalagaan at ginabayan ko, e, kasi panganay nga ako, e.

“Sa edad na 16 ay nagtrabaho na raw siya para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya, kabilang na nga ang pagpapaaral kay Jomari hanggang sa pagsuporta sa pagpasok nito sa showbiz.

“So, ang sa akin, bigay n’yo na lang sa akin, kayo na yung lumapit,” sabi pa ng veteran comedian.

May mga tao bang nag-try na pagbatiin sila ni Jom? “Meron naman, pero ayoko kasi ng may mag-bridge, mas okay yung kusa. Pero sabi ko, sa akin okay lang at hindi rin ako nag-iisip ng masama sa kanya.

“Tapos na yung tampo at galit ko, ang gusto ko lang kung talagang importante ako sa kanya bilang kapatid at kuya, siya na lang ang lumapit kasi hindi ko naman siya gugulpihin, e. Ha-hahaha!

“Ang akin lang, inalagaan ko rin naman kayo, e, tapos ako pa ang lalapit sa inyo. Parang…kayo naman ang lumapit. Pero sabi ko, wala na yun. Hinihintay ko na lang yung ano…kung hindi pa time, hindi pa ready, okay lang.

“Basta ako, ang message ko lang kay Jomari, hindi ako galit, tapos na yun, nagalit ako sa kanya, oo. But ipinagdasal ko rin yun, napatawad ko na lahat ng nangyari. So yung emotions na masama, wala na sa akin yun.

“Kung gusto niyang pumunta sa akin, if he wants to talk to me, open ako. Hindi ako makikipag-away at handa akong makipagbati. Basta kayo ang makipagbati dahil mas matanda ako sa inyo, e,” pahayag pa ni Anjo.

Samantala, let’s go na at mag-hello sa fantasy comedy film na “Hello, Universe!” na pinagbibidahan nga nina Janno Gibbs at Anjo Yllana kasama sina Benjie Paras, Maui Taylor at Sunshine Guimary mula sa direksyon at panulat ni Xiam Lim.

Iikot ang kwento sa isang lalaki na hindi maka-move on sa isang pagkatalo noong high school.  Ayon kay Xian, kumuha siya ng inspirasyon sa kanya mismong karanasan bilang wannabe professional basketball player bago siya pumasok sa showbiz.

Si Janno ay gumaganap bilang Ariel. Napangasawa niya ang kanyang high school sweetheart (Maui Taylor), at may anak silang mabait at hardworking na dalaga (Madelaine Red). Nagtatrabaho siya bilang quality inspector sa isang fertilizer company, gayunpaman, nakararanas ito ng midlife crisis.

Naniniwala si Ariel na mas maganda pa sana ang buhay niya kung naipanalo niya lang ang isang basketball game noong high school siya.

Kinaiinggitan niya ang dati niyang nakalaban na ngayon ay isa nang sikat at mayamang coach.  Buti na lang at pinagagaan ng kanyang best friend na si Rocky (Anjo Yllana) ang kanyang loob tuwing naiisip niya ang mga bagay na sana’y nangyari.

Pero ang mga bagay na paulit-ulit nating iniisip minsa’y nagiging magnet at gumagawa ang universe ng paraan para makuha natin ito.  Sa kaso ni Ariel, isang magical figure na si Jessie
(Benjie Paras), na may futuristic jeepney, ang magdadala sa kanya sa buhay na pinapangarap niya – at ‘yon ay nasa alternate universe.

Sa kanyang bagong realidad, gigising si Ariel katabi ang bagong asawa (Sunshine Guimary), iba na rin ang kanyang anak (Majo Lingat), pero pareho pa rin ang mga kontrabida sa buhay niya – sina Mac Morales (Gene Padilla), ang kalaban niya sa basketball, at si Leeroy (MJ Cayabyab), manager sa kumpanya.

Samahan si Ariel sa kanyang bagong pakikipagsapalaran na puno ng katatawanan at konting kadramahan.

Sa ginanap na story conference noong nakaraang taon, ibinahagi ni Xian ang pananaw niya sa pagsisisi sa buhay. Aniya, “I try to not look back too much sa mga regrets sa buhay, just in the now.

“Given this opportunity to be with all these wonderful actors, ito lang muna ang focus ko…buong pagmamahal sa pelikulang ito,” sey pa niya.

Ginawa ni Xian Lim ang pelikulang ito hindi lamang para mag-entertain kundi ma-uplift din ang mga manonood. Ito ang klase ng pelikula na gusto niyang panoorin.

Mula sa Viva Films, mapapanood na ang “Hello, Universe!” sa mga sinehan simula sa January 25, 2023.

True ba, Anjo Yllana inalok ng P5-M para umatras sa Eleksyon 2022?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Xian napiling direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo: Literal na bata pa lang ako, iniidolo ko na sila!

Anjo umatras sa Eleksyon 2022 dahil sa pera: Masama ang loob ko sa katiwala ko, hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending