Anjo umatras sa Eleksyon 2022 dahil sa pera: Masama ang loob ko sa katiwala ko, hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to
Anjo Yllana
IBINUNYAG na ng actor-politician na si Anjo Yllana ang tunay na dahilan kung bakit nagdesisyon na siyang umatras sa pagtakbong kongresista sa fourth district ng Camarines Sur.
Ayon sa dating host ng “Eat Bulaga”, pera ang involved sa issue at ang ikinasasama pa raw ng kanyang loob ay malapit sa kanya ang mga taong umano’y nanloko sa kanya.
Pangalawang rason na lang daw ang ipinost niya sa kanyang Facebook account na kaya siya nag-withdraw ng kandidatura ay dahil sa kanyang health condition matapos tamaan ng COVID-19.
“Nu’ng nagka-COVID kasi ako nung October, after that, one month na nakakaramdam pa rin ako ng medyo kakaiba. Actually, ngayon nga, sabi ko sa doktor ko, may acid reflux ako saka yung aking asthma.
“May asthma na kasi ako before pa. Napansin ko na parang mas lumalala. Pero sa tingin ko, kaya ko pa naman. That was secondary,” ang pahayag ni Anjo sa panayam ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Gorgy Rula sa DZRH.
Patuloy pa niya, “Pero the main reason kung bakit ako umatras din, medyo hindi kasi maganda ang nangyari sa akin.”
Inamin niya na wala talaga siyang budget sa pagtakbong congressman at ang pondong ginagamit niya sa pag-iikot sa fourth district ng CamSur ay galing sa kanyang “sponsor.” At ang tinawag niyang “katiwala” naman ang kumukuha ng pera mula sa sponsor.
“To tell you honestly, I have a working budget, kasi merong tumutulong. Merong nagri-receive nito o kumukuha. Hindi ko naman pinapakialaman kung magkano ang hawak nila.”
Ang usapan daw, bibigyan ang aktor ng mahigit P500,000 monthly, katapat ng monthly suweldo niya sa iniwang noontime show sa Net 25 na “Happy Time.”
“Apparently, nakakalungkot man, nung six months na ako ay bumababa at nagpapakilala, at ipinapaalam sa tao ang aking plataporma, at salamat nga sa mga taga-fourth district ng Camarines Sur dahil napakainit at welcome na welcome ako sa kanila.
“Unfortunately, yun nga… medyo sabihin na natin para madali, ninakaw yung pera. Monthly kasi, yung sponsor ko, may ibinibigay na budget, hindi ko alam kung magkano eksakto yun. Basta ako, kung ano ang kailangan ko, hinihingi ko,” sabi ni Anjo.
Kasunod nga nito, nagsabi na siya sa kapartidong si Cong. L-Ray Villafuerte na hindi na itutuloy ang kanyang kandidatura, “Nu’ng feeling ko na hindi ko na kayang tumuloy, kasi kung laway lang ang puhunan ko, na hindi man lang ako makabili ng t-shirts pagdating ng 45 days (kampanya), meron supposed to be pantulong na budget, parang malabo na.
“Yung ipinangako sa akin na filing bonus, more than one month na, wala pa, tapos hindi na raw sila babalik ng November. Feeling ko, parang niloloko na ako.
“Kaya sabi ko, yung ganu’ng request ko, wala, sabi ko kay Sir L-Ray Villafuerte. Sabi ko, ‘Boss, hindi ko yata kaya na ituloy ‘to. Kaya baka puwedeng habang maaga pa, i-substitute niyo na lang ako.’
“Kasi, hindi ko kayang ituloy ‘to, kasi yung pondo na nakalaan sa akin, sabi ko nga na may sponsor ako, pasensiya na, hindi ko kaya,” paliwanag ng TV host.
At pagkatapos nga niyang umatras doon na nalaman ni Anjo ang buong pangyayari “Ang sama ng loob ko du’n sa katiwala ko, kasi hindi ko akalaing magagawa niya sa akin ‘to.”
“Hindi ko mabanggit ang pangalan nung dalawa, pero magsyota ito. Hanggang ngayon, hindi pa kami nag-uusap ng magsyotang yun!
“Nu’ng nalaman ko yun, siyempre nanghina ako, sumama ang loob ko, kasi katiwala, e. Never ko nga iniisip na magagawa sa akin. Tumahimik lang ako nu’n, nagkulong ako sa kuwarto ng isang buwan.
“Nagalit ako nu’n. Nag-post ako sa FB pero tinanggal ko na rin. Sabi ko, hindi naman ako ganitong klaseng tao,” lahad pa ni Anjo.
Pero aniya, wala pa siyang balak na magdemanda dahil tiyak daw na maraming madadamay. At wala na rin daw siyang balak na makipag-ayos sa mga binabanggit niyang tao.
“Kaya ako, nagdadasal din ako araw-araw. Kaya lang minsan, napu-provoke ako pag may naririnig din ako na… ako na nga ang biktima, ako pa ang lumalabas na masama. Never ko nakita yung perang ‘yan, never,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/286942/true-ba-anjo-yllana-tsinugi-na-rin-daw-sa-happy-time
https://bandera.inquirer.net/287184/anjo-yllana-naglabas-ng-hinaing-matapos-tanggalin-sa-happy-times-nagsumbong-lang-ako
https://bandera.inquirer.net/290735/anjo-damiles-umiiyak-na-umamin-sa-naranasang-sa-depresyon-anxiety-faye-jelai-walang-inurungan-sa-tbats
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.