'Itutumba Ka Ng Tatay Ko' tribute ni Janno kina FPJ at Dolphy

‘Itutumba Ka Ng Tatay Ko’ tribute ni Janno kina Ronaldo, FPJ at Dolphy

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 08:03 AM

'Itutumba Ka Ng Tatay Ko' tribute ni Janno kina Ronaldo, FPJ at Dolphy

Anjo Yllana, Janno Gibbs, Xia Vigor at Louise delos Reyes

“THIS is a great tribute for my dad.” Ganyan inilarawan ni Janno Gibbs ang kanyang first directorial job na “Itutumba Ka Ng Tatay Ko“.

Bukod sa pagiging bida sa naturang pelikula, si Janno rin ang nagdirek nito kung saan nakasama at naidirek nga niya ang yumaong amang si Ronaldo Valdez.

Sa naganap na mediacon para sa “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” nitong nagdaang Martes, January 16, very proud niyang sinabi na isang dream come true ang maidirek at makasama uli sa aktingan ang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Magsisilbing tribute na rin daw ito para sa namayapang veteran actor na naging kontrobersyal pa nga ang pagkamatay dahil sa pagkalat ng isang maselang video sa social media.

Sey pa ni Janno, ito rin daw ang tamang pagkakataon na maipalabas na sa mga sinehan ang kanilang pelikula kontra sa mga nagkokomento na parang wala sa timing ang napiling playdate ng Viva Films.

Baka Bet Mo: Dingdong binigyan ng tribute si Marian ngayong Labor Day, tinawag na ‘incredible woman’; may pa-shoutout din sa manggagawang Pinoy

“May nagsabi kasi, ‘Is it too soon to release the movie after what happened?’ Ako I believe this is the perfect time to release the movie kasi, sorry ayoko nang umiyak kaso yung huling image of my dad was, it wasn’t nice. Hopefully this erases that,” paliwanag ng actor-director.

Nabanggit din ng komedyante na binabantayan ng kanilang pamilya ang mental health ng isa’t isa pero siniguro naman niya na okay naman sila ngayon.

“I’m good. It’s good that I got the not-so-good details nu’ng isang presscon ko, I’m sure you are all aware of that.

“I wanted to get that out of the way para makapag-promote, alangan namang pumunta ako dito promoting my film, very sad at maraming tinatagong galit, lungkot at hinanakit. I wanted to get it out of the way and I did,” sey ng TV host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, tribute rin daw ang “Itutumba Ka Ng Tatay Ko” sa yumaong Action King na si Fernando Poe, Jr. na bumida sa 1999 action comedy movie na “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” kasama si Judy Ann Santos.

“Yung title na ‘Isusumbong Kita’, pinalitan ko lang ng ‘Itutumba Ka’. But that’s as close as it gets.

Baka Bet Mo: Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!

“This movie is an homage to FPJ. Marami akong scenes dito honoring him. My character, sa bahay niya may mga posters pa ni FPJ. Half of the film is Dolphy and half of the film is FPJ,” aniya pa.

Nabanggit din ni Janno na malaking tulong sa movie ang associate director nilang si Julius Alfonso, “In all honesty, hindi pa ko maalam sa technical side, kahit hindi ko alam yung lenses and camera placing, I know what i want.

“Ise-set up nila, I will look, and if I don’t like it, I’ll change it. Hindi ako maalam technically,” kuwento pa ng veteran comedian.

Natanong naman si Janno kung naging protective rin ba sa kanya si Ronaldo bilang tatay tulad ng karakter niya sa movie.

“I remember one instance, yung confrontation scenes namin. I was rewriting the script bago kunan yung eksena, tapos pinadala ko na, sabi ko ibigay n’yo na sa daddy ko para pag-aralan na niya.

“Pagdating ko sa set, sabi ng daddy ko ‘sinong magaling na nagsulat nitong dialogue na ito, ang ganda, eh! (ginaya ang pagsasalita ng ama).’ Siyempre, kilig ako nu’n!”

“This is the best parting gift my dad can give me,” emosyonal na pahayag ni Janno Gibbs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Itutumba Ka ng Tatay Ko” sa mga sinehan nationwide simula sa January 24. Kasama rin dito sina Anjo Yllana, Xia Vigor, Louise delos Reyes, Juliana Parizcova Segovia at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending