Xian napiling direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo: Literal na bata pa lang ako, iniidolo ko na sila! | Bandera

Xian napiling direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo: Literal na bata pa lang ako, iniidolo ko na sila!

Ervin Santiago |July 21,2022
facebook
share this

Xian napiling direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo: Literal na bata pa lang ako, iniidolo ko na sila!

Ervin Santiago - July 21, 2022 - 01:46 PM
Xian napiling direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo: Literal na bata pa lang ako, iniidolo ko na sila!

MAGKAHALONG kaba at excitement ang nararamdaman ng Kapuso actor na si Xian Lim sa pagsisimula ng shooting ng bago niyang pelikula under Viva Films.

No, hindi po siya ang bibida sa fantasy-comedy na “Hello, Universe” kundi siya ang napili ng mga bossing ng Viva Entertainment para magdirek nito.

Kung wala nang naging problema, kahapon nga nagsimula ang lock-in shooting ng “Hello, Universe” na kukunan pa sa La Union. Ito ang first directorial job ni Xian para sa Viva Films na siya rin ang sumulat.
Bibida rito ang mga veteran comedian na sina Janno Gibbs, Anjo Yllana at Benjie Paras with Maui Taylor and Vivamax bombshell Sunshine Guimary.

Sa naganap na story conference at virtual mediacon ng pelikula kahapon, sinabi ni Xian na napakaswerte niya dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho ang mga “idol” niya.

Sey ng boyfriend ni Kim Chiu, itinuturing ni Xian na bonggang achievement ang maging direktor ng reunion movie nina Janno at Anjo sa Viva Films.

Alam naman daw niya na mga iconic nang maituturing ang dalawang aktor pagdating sa larangan ng comedy. In fact, pinapanood raw talaga niya ang mga pelikula at comedy show nina Janno at Anjo.

“Tuwang-tuwa po ako. We had our meetings and nagsimula kami sa look test a couple of days ago.

“Nakakatuwa lang kasi alam mo na ibibigay nila lahat sa project. You can really see the passion and the enthusiasm sa mga mata nila.

“It’s such an honor to be working with Sir Janno and Sir Anjo kasi sila yung literal na bata pa lang ako, iniidolo ko itong mga ‘to.

“It’s such an honor to be graced by their presence for them to bring years of experience sa industriya sa material na meron kami,” pahayag ng aktor, director at scriptwriter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Sey pa ni Xian, “A couple of days ago, nagkukuwentuhan kami with the production team.

“Ang sabi nila, grabe, ibang-iba from reading the material first then binigyang-buhay ng cast namin. Parang it had a new life. So, nakaka-inspire,” dagdag pa niya.

Looking forward din ang dalawang veteran comedian na makatrabaho si Xian at nangakong gagawin nila ang lahat at ibibigay nila ang buong suporta nila sa aktor at direktor para mapaganda ang kanilang pelikula.

Todo naman ang pasasalamat ni Anjo kay Janno at sa Viva Films dahil nabigyan siya uli ng bagong acting projects na matagal na niyang ipinagdarasal.
Isa si Janno sa mga nag-suggest na magkaroon sana sila ni Anjo ng reunion movie na pinakinggan naman ng mga bossing ng Viva Films.
Huling nagkasama ang dalawang komedyante sa controversial noontime show ng Net25, ang “Happy Time” na nawala na rin sa ere.
Ayon kay Anjo, excited na siyang  makatrabaho sa “Hello, Universe” si Xian at umaasa siya na magiging fun and happy lang ang kanyang comeback movie.

“Si Direk Xian, first time ko makatrabaho. First time kami nag-meeting the other day. Ako, personally, I felt very comfortable kaagad. Hands-on siya.

“I think he’s a very talented director and, at the same time, a writer.

“He is very supportive at ako very excited. Siguro, you will hear more from me kapag tapos na yung movie,” pahayag ni Anjo.

Related Chika:
True ba, Anjo Yllana tsinugi na rin daw sa ‘Happy Time’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kim Chiu, Xian Lim nagsimula nang mag-shooting para sa reunion movie nilang ‘Always’

Anjo naglabas ng hinaing matapos tanggalin sa Happy Times: Nagsumbong lang ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending