True ba, Anjo Yllana tsinugi na rin daw sa 'Happy Time'? | Bandera

True ba, Anjo Yllana tsinugi na rin daw sa ‘Happy Time’?

Reggee Bonoan |June 24,2021
facebook
share this

True ba, Anjo Yllana tsinugi na rin daw sa ‘Happy Time’?

Reggee Bonoan - June 24, 2021 - 07:00 PM
HOW true na pagkatapos mawala nina Kitkat Favia at Janno Gibbs sa programang “Happy Time” ay isinunod na si Anjo Yllana kahapon? May nagkuwento sa amin na baka raw hindi na pabalikin ang TV host at comedian sa show dahil sa mga sablay na ginawa nito pati na ang pambu-bully umano nito sa mga katrabaho. Tsika mismo ng aming source sa “Happy Times”, “After ni Kitkat na binully noon ni Anjo, sina Boobsie (Wonderland), CJ (Hiro) at dancers naman ang na-bully niya. Gets na gets ng hosts ang pagiging bossy ni Anjo.” Ayon pa sa aming source ay sinabihan pa raw ni Anjo ang mga dancer ng show ng offensive words  dahil parati raw nasa kuwarto ng direktor nilang si John Paul Panizales. “E, kaya naman nandoon ang mga dancers kasi nagmi-meeting sila kaya wala namang issue talaga, nabibigyan lang ng ibang kulay,” sambit ng aming kausap. Kahapon, Miyerkoles, lang daw nangyari ang lahat at sa pakiwari ng aming kausap ay hindi na babalik si Anjo bilang host ng “Happy Time”. Pinatanggal na raw kasi ang komedyante sa group chat ng production at pinalitan na siya ni ng DJ/rapper na si Aikee bilang segment host. May tsikang narinig din ang aming source na inakusahan ni Anjo sina Boobsie na nag-iinuman habang nasa bubble taping at kung anu-ano pang negatibong kaganapan. Pero ayon sa aming source, mukhang hindi raw ito kapani-paniwala dahil may bantay naman sa kanilang studio para istriktong maipatupad ang mga health protocol. Samantala, bukas ang BANDERA sa paliwanag ni Anjo Yllana hinggil sa isyung ito at agad naming ilalabas ang kanyang panig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending