Alden naghahanap ng girl na may ‘big brain’: Kung ikaw lang ang nag-iisip at dumidiskarte sa relasyon parang solo ka lang din
GAME na game na sinagot ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang mga kontrobersyal at maiinit na tanong sa kanya ni Paolo Contis.
Sa latest episode ng “Just In” ng GMA 7, hindi inurungan ni Alden ang mga questions about his bashers, ang tungkol sa kanyang ideal girl pati na ang pagiging sensitive and award-winning actor.
Ayon sa Kapuso matinee idol, isa sa mga qualities na hinahanap niya sa isang babae o sa kanyang ideal girl ay ang “big brain.
Mas tumitingin daw siya sa taglay na talino, diskarte at panloob na kagandahan ng tao at hindi lang sa itsura.
“Kapag tumagal ka sa relationship, nari-realize mo na ikaw lang ang nagdadala, at sunod lang nang sunod ‘yung partner mo.
“Kapag hindi nagkakaroon ng sariling desisyon ‘yung partner, ang unfair naman kasi laban ito ng dalawang tao, eh.
View this post on Instagram
“Kung ikaw lang mag-isang nag-iisip at dumidiskarte sa relationship, at the end of the day, mag-isa ka lang din,” paliwanag ng binata.
Sumabak din ang aktor sa segment na “Champion o Tapon,” kung saan inilarawan niyang “champion” para sa kanya ang mga bashers at haters sa social media.
Hirit ni Alden kay Paolo, “Ano’ng sabi mo kanina, Kuya Pao? The more you bash?” Na sinagot naman ni Paolo ng, “The more you earn.”
Tungkol naman sa acting workshops, “champion” din ang sagot ni Alden pero aniya, may kanya-kanyang proseso at istiko ang bawat artista pagdating sa aktingan.
“Naniniwala ako na lahat ng aktor may sari-sariling proseso ‘yan. Marahil ‘yung workshop na ginagawa is hindi applicable at hindi nagwo-work.
“And then ang tendency minsan kapag hindi nagagawa ‘yung certain exercises, parang nagiging point of disapproval ‘yun for a certain person. Kasi na-experience ko rin ‘yun,” paliwanag ng Pambansang Bae.
Dagdag pa niya, “Sobrang daming methods, sobrang daming styles and ways of acting pero at the end of the day, kumbaga kasi ang acting parang diet yan e. Daming diet, pero kung ano ‘yung nag-work, doon ka.
“Ako it’s more of to help the actors discover their own process. Of course nakakatulong yung workshop, nakakatulong yung mga styles and methods na itinuturo pero at the end of the day, what works for you?” katwiran ni Alden.
Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.