Direktor ng Pinoy version ng ‘Start-Up’ ikinumpara sa alak si Bea; personal na nasaksihan ang ‘magic’ ni Alden
IKINUMPARA ng veteran director na si Jerry Sineneng si Bea Alonzo sa alak habang personal niyang nasaksihan ang sinasabing “magic” na taglay ni Alden Richards.
Puring-puri ni Direk Jerry pati na ni Direk Dominic Zapata ang dalawang Kapuso stars na siyang bibida sa latest project nila for GMA 7, ang Pinoy version ng 2020 hit Korean drama na “Start-Up”.
Sa ginanap na virtual presscon ng serye kamakailan, inisa-isa ng dalawang direktor ang mga katangian nina Bea at Alden bilang mga artista na first time ngang magsasama sa isang teleserye.
Diretsahang inamin ni Direk Jerry na isa siyang certified Alden fan at mas lalo siyang humanga sa aktor nang mapanood niya ang 2019 Star Cinema movie na “Hello, Love, Goodbye” kung saan nakatambal naman ng Kapuso star si Kathryn Bernardo.
View this post on Instagram
“Naging fan ako ni Alden after watching him in Star Cinema’s ‘Hello Love Goodbye’. Sobrang nagalingan ako sa acting niya.
“They all say na mabait siya, magaling, magaan katrabaho at very professional kasi he comes to the set ready, knowing all his lines.
“Napatunayan ko na lahat ng mga sinabi ng nakatrabaho niya sa Star Cinema, totoo. May kakaibang magic si Alden.
“Napapasaya niya ang mga tao sa set kahit pagod na kayo, kasi mabiro siya in a positive way. And after this, lalo niya akong naging fan. I hope it won’t be the last time I work with him,” pahayag ng direktor.
Paglalarawan naman niya kay Bea, “Parang alak, habang tumatagal, gumagaling. Napakahusay na niya. When she puts her heart and soul into something talagang naitatawid niya na siyang-siya talaga.”
“And when they’re together ni Alden, it’s magic. They really bring their characters to life. The scene just lights up when they are there. Meron silang kakaibang chemistry.
“Mahuhusay talaga silang artista and you can see na inaaral talaga nila ang characters nila.
“I have worked with Bea sa ABS so comfortable na ako with her but it’s really an honor to do this project with her now that we’re both with GMA,” pahayag pa ni Direk.
Samantala, bilib na bilib din si Direk Dominic sa galing at professionalism nina Alden at Bea. Alam na raw niya ang kalibre ng Pambansang Bae pagdating sa pag-arte, pero hindi na naman daw siya nagulat sa galing ni Bea bilang aktres.
Sabi pa ni Direk Dominic, nagpasalamat pa raw siya sa aktres noong magkausap sila, “Sabi ko, ‘Bea, thank you kasi totoo lahat ng naririnig ko.’ Totoo yung chismis – mahusay, magaling, professional, tsaka mabait sa mga tao.”
“I love it when she arrived on the set, hindi lang niya alam yung lines niya, alam niya yung buong nangyayari sa istorya.
“Binasa niya yung buong script. Alam niya yung nangyayari sa istorya ng ibang characters. That’s the mark of not only a consummate professional pero someone who’s a veteran. And ang bata pa niya pero veteran na siya umasta. Ang dami niyang alam,” sey ng direktor.
View this post on Instagram
Tungkol naman sa mga bashers ng “StartUp PH”, sey ni Dominic, “Haters gonna hate.” Aniya, ang mahalaga, ginagawa nila lahat para mapaganda ang show.
“Nakakarating lang sa akin in form of second hand information (comment ng haters). But we’re artists, we stay true to the craft.
“We understand that being given a task this major, this big, we don’t take it for granted. We pull out all the stuff. Pinag-aralan namin lahat ng kailangang matutunan para ma-execute ng maganda. I think the franchise that you (manonood) love is in good hands,” paniniguro pa niya.
Ipinagdiinin din ni Dominic na ang Pinoy version ng “Start-Up” ay hindi naman talaga copycat ng original, “Hindi namin kinokopya because kung kinokopya namin siya ng parehong-pareho e ba’t pa namin ginawa? Just allow yourself to be entertained.”
Para naman kay Direk Jerry, “Panoorin na lang po nila bago sila magsalita ng kahit ano. We’re giving our best. Not only the actors, the crew, everyone.”
Bukod kina Alden at Bea, makakasama rin sa serye sina Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Kim Domingo, Royce Cabrera, Boy2 Quizon, Gina Alajar at marami pang iba.
https://bandera.inquirer.net/298930/jerry-sineneng-lumipat-na-rin-sa-gma-mga-direktor-ng-gma-maraming-pasabog-sa-2022
https://bandera.inquirer.net/284334/janice-ikinumpara-sa-bangus-si-gerald-kasi-matinik-parang-ang-daming-issue
https://bandera.inquirer.net/290665/kiko-heaven-umamin-na-kinumpara-ng-netizens-kay-gerald-at-julia
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.