Alden Richards nagsalita na sa isyu nila ni Maine Mendoza | Bandera

Alden Richards nagsalita na sa isyu nila ni Maine Mendoza

Therese Arceo |January 26,2023
facebook
share this

Alden Richards nagsalita na sa isyu nila ni Maine Mendoza

Therese Arceo - January 26, 2023 - 09:04 PM

Alden Richards nagsalita na sa isyu nila ni Maine Mendoza
BINASAG na ng Kapuso actor na si Alden Richards ang kanyang katahimikan patungkol sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanila ni Maine Mendoza.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” ay tinapos na ng aktor ang bulimg-bulungan patungkol sa kanila ng dalaga.

Maituturing na phenomenal ang naging love team nina Alden at Maine o mas kilala bilang AlDub na nagsimula sa “Eat Bulaga” segment na “Kalyeserye” na nagsimula noong July 2015.

Talaga namang tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan at magpahanggang ngayon nga ay marami pa rin ang solid supporters ng kanilang love team kahit na matagal na itong nagtapos.

Dahil nga rito ay mayroon pa rin ang patuloy na kumakapit kina Alden at Maine at dumating na nga sa puntong may mga ipinapakalat na itong ikinasal raw ang dalawa at may kambal pang anak.

Sa kabila ng ilang beses nang paglilinaw ni Maine na inamin niya sa interview kay Ogie ay patuloy pa rin nilang ipinipilit na totoo ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Ayon sa aktor, “self-explanatory” o hindi na niya kailangang mag-explain uko sa nangyari sa kanila ni Maine ngunit aminado siya na malaki ang pasasalamat niya sa mga sumuporta sa kanila.

Saad ni Alden, “I think everything po is self-explanatory. Uulitin ko po, during the AlDub era, nagpapasalamat po kami sa lahat po ng suportang ibinigay ninyo sa amin, sa lahat po ng pagmamahal. You know, masaya po kami na napasaya namin kayo.

“But right now po kasi, kami po ni Maine ngayon, we’re at a point na we’re not getting any younger. We’ve already made our, of course, personal choices.”

Matatandaang engaged na ngayon si Maine sa actor-politician na si Arjo Atayde at ang naturang proposal ay naganap pa nga sa isang beach resort sa Batangas nitong 2022. Habang aminado naman si Alden na single siya ngayon at walang dine-date.

Sa kabila naman nito ay nananatili namang maayos ang relasyon nilang dalawa kahit na wala na ang kanilang love team.

“And we’re very good friends up to this point, we talk,” sey ni Alden.

Related Chika:
Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’

Alden Richards nagsalita na sa isyu ukol sa kanilang AlDub supporters: Hindi ako property ng kahit sino

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

‘Fast talk’ video ni Alden kay Tito Boy muli na namang kumalat sa socmed, bakit kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending