Alden Richards nagsalita na sa isyu ukol sa kanilang AlDub supporters: Hindi ako property ng kahit sino | Bandera

Alden Richards nagsalita na sa isyu ukol sa kanilang AlDub supporters: Hindi ako property ng kahit sino

Therese Arceo |November 30,2022
facebook
share this

Alden Richards nagsalita na sa isyu ukol sa kanilang AlDub supporters: Hindi ako property ng kahit sino

Therese Arceo - November 30, 2022 - 09:16 PM

Alden Richards nagsalita na sa isyu ukol sa kanilang AlDub supporters: Hindi ako property ng kahit sino

BINASAG na ng Kapuso actor na si Alden Richards ang kanyang katahimikan hinggil sa kanilang AlDub supporters na hanggang ngayon ay hindi naniniwala na walang namamagitan sa kanila ng “Eat Bulaga” host na si Maine Mendoza.

Sa ginanap na media conference sa Cebu City kamakailan para i-promote ang Kapuso show na “Start Up”, tuluyan na nga siyang nagsalita hinggil sa isyung hindi mamatay-matay kahit na ilang taon na silang hindi nagtatambal.

Pag-amin ni Alden, kasalanan raw niya kung bakit hindi sila nagkaroon ng romantic relationship ng dalaga gaya ng inaasahan ng maraming AlDub fans.

“We’re grateful but I make a stand to not let people control my life. Ito ang prinsipyo ko sa buhay. Hindi ako property ng kahit sino. I have my own choices. I have my own decisions so I stick to that,” pagbabahagi ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Pagpapatuloy pa niya, “Minsan very unfair sa industry natin because of the team-up that has happened. It puts a pressure on both of the individuals. Siyempre, hindi naman natin mapi-please ang mga taong gusto nating i-please.”

Matatandaang muli na namang nabuhay ang tambalang Alden at Maine matapos itong matalakay sa interview ng dalaga sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Dito nga ay naibahagi ni Maine na may mga fans pa rin ang nagpupumilit na mag-asawa sila ni Alden at mayroon na raw itong kambal na anak.

Mariin namang sinabi ni Maine na wala itong katotohanan ngunit talagang matigas ang ulo ng ilang fans at pilit pa rinv pinaniniwalaan ang kanilang gusto.

Samantala, ipinagpapasalamat naman ni Alden na kahit wala na ang kanilang love team ni Maine ay nananatili silang mabuting magkaibigan.

Sa katunayan nga ay mayroon raw bagong proyekto na pini-pitch sa kanilang dalawa na paniguradong papanoorin ng kanilang mga solid supporters sakaling matuloy ito.

Related Chika:
Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

‘AlDub’ ginagamit na rin sa iskul para sa exam ng mga estudyante

Bea Alonzo, Alden Richards bibida sa Filipino adaptation ng hit KDrama ‘Start Up’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending