Maine Mendoza napagod nang i-call out ang 'delusional' fans ng AlDub: I don't think there's something I can do | Bandera

Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

Therese Arceo |November 04,2022
facebook
share this

Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

Therese Arceo - November 04, 2022 - 01:50 PM

Maine Mendoza napagod nang i-call out ang 'delusional' fans ng AlDub: I don't think there's something I can do
TULUYAN na ngang napagod ang Kapuso star na si Maine Mendoza sa mga “fans” na patuloy na nagpupumilit na higit pa sa screen partners ang relasyon nila ni Alden Richards.

Sa kanyang naging panayam kay Ogie Diaz ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin patungkol sa AlDub fans na hanggang ngayon ay kumakapit pa na may chance na magkatuluyan silang dalawa.

Ito ay nagsimula nang purihin ng talent manager si Maine sa pagiging totoo nito sa publiko sa kabila ng height ng kasikatan ng kanilang tambalan noon.

Pero pag-amin ng dalaga, may mgahindi nagustuhan ang kanyang pagiging “totoo”.

“May mga taong hindi gusto ‘yung gano’n. Parang gusto nila na nafi-feed ‘yung imagination nila and for lack of a better term, delusion nila. Pero mas okay kasi na early on pa lang, paalam mo na ‘yong totoo,” saad ni Maine.

Pagpapatuloy pa niya, “Pwede naman tayong mag-enjoy, pwede naman tayong ma-entertain na alam natin ‘yong katotohanan na wala tayong sinasaktan or ida-damage.”

Bagamat grateful si Maine sa labis na suportang natatanggap niya, ayaw naman raw niyang lokohin ang mga ito para lang sa pera at kasikatan.

At sa kabila nga ng pagsasabi ng totoo na hanggang sa pagiging “screen partners” at magkaibigan lang ang relasyon nila ni Alden ay marami pa rin ang hindi maka-move on.

“Marami naman pong nakatanggap… ‘Yung iba nag-stop na mag-support. Which is totally okay lang din naman. Pero meron pa rin po na hanggang ngayon kumakapit pa rin do’n,” lahad ni Maine.

Ito nga raw ang mga klase ng fans na hindi niya ma-tolerate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

“I tried calling them out couple of times already. Pero ayaw po talaga nilang maniwala,” dagdag pa niya.

Chika pa nga niya, may ilan pa nga raw na nagsasabing mag-asawa na sila.

“Kasi ‘yung iba parang hanggang ngayon kapit na kapit sila na ‘mag-asawa kami ni Alden. May anak na kami,'” sey pa ni Maine.

May mga pinadalhan pa nga raw siya ng private message sa Twitter para sabihin ang katotohanan.

“As in ako na po personally nagre-reach out sa kanila, not through other people, ako na ‘yung nagme-message pero Mama Ogs ang reply pa rin nila sakin ‘Hindi si Maine ‘yan. Admin ‘yan ng account ni Maine,'” lahad pa ni Maine.

Kaya naman umabot na si Maine sa puntong napagod na lang siya sa pagpapaliwanag sa kanilang fans patungkol sa kanilang love team.

“Nakakapagod na mag-explain and I don’t think there’s something that I can do para sa mga taong ito. Wala na ako magawa,” malungkot na sabi ni Maine.

Sa ngayon ay super happy ang TV host-comedienne sa takbo ng kanyang karera maging ng kanyang lovelife.

Matatandaang noong July 2022 lang nang tuluyan nang mag-propose kay Maine ang actor-politician na si Arjo Atayde makalipas ang halos tatlong taong relasyon nila bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Related Chika:
Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending