Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya Bandera

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Ervin Santiago |March 09,2022
share this

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Ervin Santiago - March 09, 2022 - 05:35 PM

Arjo Atayde at Maine Mendoza

READY na bang maging “First Lady” ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza sakaling manalong kongresista si Arjo Atayde sa 1st District ng Quezon City.

Iwas na iwas pa rin ang Kapuso TV host-actress kapag natatanong tungkol sa kanyang boyfriend na nagdesisyon ngang sumabak sa politika at pansamantala munang iwan muna ang acting career.

Sa isang panayam kay Maine, natanong ng kaibigan nating vlogger na si Allan Sancon kung handa na ba siyang matawag na “First Lady” ng QC.

“Sana po. Sana,” ang maikling tugon ni Maine na halatang nahihiya sa pagsagot ng mga tanong patungkol sa relasyon nila ni Arjo.

Paulit-ulit namang sinasabi ni Arjo pati na rin ng kanyang nanay na si Sylvia Sanchez na hangga’t maaari ay ilalayo nila si Maine sa pagtakbo ng award-winning Kapamilya actor sa darating na May elections.

Nagdesisyon din si Arjo na huwag nang pasamahin si Maine sa pangangampanya para iwas-intriga. Ayaw din niyang masabihan ang kanyang pamilya na ginagamit ang “Eat Bulaga” host.

Nabanggit din ni Sylvia ang tungkol dito sa isang panayam, “Sinasabi talaga ni Arjo, ‘ayoko siyang i-front, ayoko siyang dalhin du’n,’ kasi sabi ni Arjo, ‘gusto kong manalo dahil ako, dahil si Arjo ako at pinagkatiwalaan ako ng mga tao. Dahil ginusto at minahal ako. Hindi dahil ginamit ko si Maine.’”

“Pinagtawanan na lang ng anak ko ‘yun, eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine. Dahil wala raw kaming mga career. ‘Yung ganu’n. Hindi raw kami sikat,” sabi pa ni Ibyang.

“Sa totoo lang, hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry siya. Sabi niya, ‘tita I’m sorry.’ Kasi ‘yun nga, sinasabi, ginagamit. Kasi, ang habol daw namin kay Maine, ‘yung milyon niya, ‘yung pera niya, ‘yung negosyo niya. ‘Yung ganu’n,” 


“Si Maine nga, ‘Tita, I’m sorry. Hiyang-hiya ako.’ Sinasabi ko… ‘Maine, hindi ikaw ang namba-bash, hindi ikaw ang naninira. At hindi ganun ang paniniwala mo sa amin. So okay na kami dun, masaya na kami.’ Ang importante si Maine at si Arjo at ang pamilya ni Maine at kami,” sabi pa ng premyadong aktres.

Samantala, naikuwento rin ni Maine sa nasabing panayam na nakasama niya si Arjo sa kanyang 27th birthday celebration last March 3.

“I celebrated po with my family and friends, and of course Arjo. So, yun. Yung mga ibang bagay sini-share ko na lang either on, like, end of the year, kapag nasa vlog ko na kapag sinusulat ko na lahat. Yun lang po,” pahayag ng aktres.

“Wala na akong talagang ini-aim pa na ma-achieve. Talagang ina-accept ko na lang what’s coming my way, and then, yun, I’m just so grateful with what I have,” pahayag pa ni Maine.

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Maine: Parang lahat po ng ginagawa ko sa buhay ko, kinakabahan ako!

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending