Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing 'sukob' Bandera

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Ervin Santiago |May 25,2022
share this

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Ervin Santiago - May 25, 2022 - 03:05 PM

Arjo Atayde, Maine Mendoza, Coleen Mendoza at Mike Cruz

INULAN ng panunukso ngayon ang celebrity couple na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza matapos um-attend ng bonggang wedding nitong nagdaang weekend.

Kasamang dumalo ni Maine at ng kanyang pamilya ang newly-elected Quezon City congressman na si Arjo sa kasal ng sisteraka ng Kapuso TV host-actress.

Sa kani-kanilang Instagram page nitong Lunes, nagbahagi ng ilang litrato sina Maine at Arjo na kuha sa wedding ni Coleen Mendoza at ng groom nitong si Mike Cruz.

Binati ng “Eat Bulaga” Dabarkads ang kantyang sister at brother-in-law sa kanyang caption, “Can’t wait to see what the next chapter holds for you two. Love you both!”

Sabi naman ni Cong. Arjo sa kanyang mensahe para sa bagong kasal at sa pamilya ni Maine, “Grateful for the opportunity to witness and celebrate love — especially of those I hold close to my heart.

“Even more grateful I get to do that with a beautiful date. Congratulations Mr. & Mrs. Cruz. Really happy for the both of you!” pagbabahagi pa ng award-winning actor.

Tatlong taon nang magkarelasyon ngayon sina Arjo at Maine na nag-celebrate nga ng kanilang third anniversary last December, 2021.

Kasunod nga nito, tinukso ng mga netizens ang magdyowa at sana raw ay sila naman ang susunod na magpakasal para bumuo na ng sariling pamilya.


Halos lahat ng nakakita sa mga litrato nina Maine at Arjo ay nagsabing bagay na bagay ang magdyowa sa kanilang wedding OOTD kaya siguradong mas bongga pa kapag sila na ang lumakad patungong altar.

Comment naman ng isang ArMaine fan, mukhang imposible nang magpakasal ang showbiz couple ngayong 2022 kung susundin ang isang matandang kapaniwalaan tungkol sa pag-iisang dibdib.

“Hindi na pwedeng pakasal sina Maine at Cong. Arjo this year dahil magiging SUKOB na sila sa taon ng kapatid ni Maine. Malas daw kasi kapag nagpakasal ang magkapatid sa loob ng taon,” sabi ng netizen.

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!

Maris Racal, Rico Blanco inulan ng tukso dahil sa jamming video; magdyowa na ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending