Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son! | Bandera

Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

Ervin Santiago |July 31,2022
facebook
share this

Sylvia super kilig sa proposal ni Arjo kay Maine: Welcome to the family, thank you for loving my son!

Ervin Santiago - July 31, 2022 - 08:50 AM

Sylvia Sanchez, Maine Mendoza at Arjo Atayde

KILIG na kilig at naging emosyonal si Sylvia Sanchez sa bonggang-bonggang marriage proposal ni Quezon City First District Representative Arjo Atayde sa girlfriend nitong si Maine Mendoza.

Naganap ang pagpo-propose ni Arjo nitong nagdaang July 28, makalipas ang tatlong taon at pitong buwan nilang relasyon bilang magkasintahan.

Base sa IG post ni Maine, nag-propose sa kanya si Arjo sa isang lugar na may illuminated white roses garden. Ang short but sweet caption ng aktres sa kanyang post, “Wait, whaaaat??? We’re engaged?!”

Ilang sandali lang ay bumaha na ng congratulatory messages para kina Arjo at Maine sa social media mula sa kanilang mga kaibigan in and out of showbiz.

Nagsimulang maging close sina Maine at Arjo nang magkatrabaho sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” na pinagbidahan sina Vic Sotto at Coco Martin.

Naging official couple ang dalawa noong Dec. 21, 2018. Inamin nila sa isang interview na napag-uusapan na nila ang kasal at umaasang sila na nga ang itinadhana.

Samantala, ramdam na ramdam nga ng mga netizens ang pagmamahal ni Sylvia kay Maine base na rin sa mga litratong naglabasan na kuha sa engagement ng TV host-actress at ng kongresista.

Nangako ang award-winning actress na mamahalin at aalagaan niya si Maine at ituturing na parang tunay na anak.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Sylvia ang mga photos nila ni Maine na magkayakap kalakip ang mensahe para sa “Eat Bulaga” Dabarkads.

Ang caption ng nanay ni Arjo sa kanyang IG post, “He asked Her and She said, YES!!!

“Finally!! Welcome to the family, Maine (heart emoji) Thank you for loving my son. Love you Nak (face blowing a kiss emojis).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)


“I promise that I will take care and love you as my own Daughter (heart emoji). @arjoatayde @mainedcm #Armaine (heart emoji).

“Happy morning (woman dancing, man dancing, woman dancing emojis),” aniya pa.

Noon pa sinasabi ni Sylvia na botong-boto siya kay Maine para kay Arjo dahil bukod daw sa napakabait ng aktres ay marespeto rin ito at walang kaarte-arte sa katawan.

Naiiling na nga lang daw siya kapag sinasabing ginagamit lang ni Arjo si Maine, “Pinagtawanan na lang ng anak ko ‘yun. Pati nga ako, inaakusahan na ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career, hindi raw kami sikat.”

“Hiyang-hiya si Maine. Nagso-sorry, sabi niya, ‘Tita, I’m sorry’ kasi sinasabi na ginagamit. Ang habol daw namin kay Maine ‘yung milyon niya, ‘yung pera niya. Okay lang sa amin kasi alam naman ni Maine ang katotohanan,” diin pa ng premyadong aktres.

Natatandaan pa namin na sa mga unang taon pa lang ng relasyon nina Arjo at Maine ay talagang hayagan na ang pagsuporta ni Sylvia sa dalawa. Pero aniya, never siyang nakialam sa relasyon ng anak kay Maine.

“Saka hindi ko pinapakialaman sila ni Arjo. Busy rin ako, di ba? So, imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kulang na nga ako sa oras ko, sa pagiging asawa, sa pagiging nanay, pakikialaman ko pa ba yung love life ng mga anak ko? Bahala sila!” natatawang sabi ni Sylvia.

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Sylvia kontra sa pagtakbo ni Arjo sa 2022: Pero iga-guide ko na lang para hindi masulsulan at maligaw

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending