Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: 'Ito ang ebidensya!' | Bandera

Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’

Therese Arceo |November 26,2022
facebook
share this

Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: ‘Ito ang ebidensya!’

Therese Arceo - November 26, 2022 - 09:46 AM

Throwback photo ni Maine na nagpapa-ultrasound kasama si Alden trending, sey ng AlDub nation: 'Ito ang ebidensya!'

MULI na namang nabuhay sa social media ang dating larawan ng phenomenal loveteam na sina Maine Mendoza at Alden Richards.

Makikita sa trending photo na nakahiga ang TV host sa kama habang hawak ng aktor ang kanyang kamay at makikita ang tila ultrasound ng kanilang “kambal” sa gilid.

Matatandaang sumikat noon ang sina Maine at Alden matapos silang pagtambalin sa isang segment sa “Eat Bulaga” na KalyeSerye at talagang sinubaybayan pa ng buong dabarkads mula Batanes hanggang Jolo.

October 2015 nga nang mangyari ang pinakahihintay ng lahat na pagkikita ng dalawa na pinamagatang “Tamang Panahon” ay maituturing ngang isang history sa Philippine television dahil libu-libo ang mga dumalo nang live itong maganap sa Philippine Arena sa Bulacan.

Samanata October 22, 2016 naman ng pakiligin nina Maine at Alden ang madlang pipol matapos nilang magpakasal sa “KalyeSerye”.

Kaya naman base sa petsa ng pagkaka-upload ng larawan na November 26 ay isang buwan na silang kasal at magkakaroon na ng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

“Yey! Kambal pala ang magiging anak ni Mr. and Mrs. Richards!” saad ng “Eat Bulaga” sa caption.

Umani nga ng samu’t saring komento ang muling pagkabuhay ng larawan nina Maine at Alden.

Comment ng isang netizen, “Huwag na kayong mag-deny idol maine & alden, tinago niyo lang anak niyo sa ibang bansa.”

“Ito ang ebidensya!’ sey pa ng isa.

Martami naman ang nagsasabing dapat raw ay huwag seryosohin ang larawan sapagkat parte lang ito ng naturang show at wala itong katotohanan.

Matatandaang sa nakaraang interview ni Maine kay Ogie Diaz ay inamin niyang marami pa rin sa mga fans ng AlDub ang tila naniniwala na talagang mag-asawa na sila ni Alden at may kambal na anak.

Pinilit naman niyang magpaliwanag sa mga ito na wala naman itong katotohanan ngunit marami ang mga sarado ang isipan at hindi pa rin maka-move on kahit may kanya-kanya nang buhay ang dalawa.

Sa katunayan ay may nag-viral pa ngang video ng mga fans nina Maine at Richard kung saan may mga hawak pa itong mga kandila habang kumakanta ng “If We Hold On Together”.

 

Related Chika:

Maine Mendoza napagod nang i-call out ang ‘delusional’ fans ng AlDub: I don’t think there’s something I can do

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending