Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?! | Bandera

Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Therese Arceo |July 29,2022
facebook
share this

Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!

Therese Arceo - July 29, 2022 - 07:25 PM

Maine Mendoza, Arjo Atayde ginulat ang netizens: Wait, whaaaat??? We’re engaged?!
ISANG malaking pasabog ang naging anunsyo ng celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa madlang pipol.

Ngayong gabi, July 29, ibinahagi ng “Eat Bulaga” host ang larawan nila ng kasintahan habang pini-flex ang kanyang diamond ring.

“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!” maikling caption ni Maine ngunit sapat na para pakiligin ang mga netizens.

Labis naman ang saya na nadarama ng mga supporters ng Dubsmash Queen sa bagong chapter sa buhay ng kanilang hinahangaang celebrity.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)

“Congratulations to the both of you, loves. Grabe kanina naghihintay lang kami pero iba pa rin talaga yung saya. Love ko kayo pareho,” saad ng isang fan.

Sey naman ng isa, “Finally I can say congratulations to the both of you! Stay happy and inlove, Arjo and Maine!”

“Congratulations Menggay! Happiness looks good on you, kung san ka happy dun ako,” hirit pa ng isang fan.

Nagpaabot rin ng pagbati sina Jackie Lou Blanco, Maja Salvador, Sugar Mercado, Pauline Luna, at Carlo Aquino.

Una nang lumabas ang balita na nag-propose na si Arjo kay Maine kahapon, July 28 sa isang beach resort sa Batangas at ngayon nga ay kumpirmadong kumpirmado na ang engagement ng dalawa dahil mismong si Menggay na ang nagbalita sa buong dabarkads.

Bago pa man maging in a relationship ang dalawa ay nagkatrabaho muna ito sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles.”

Naging opisyal naman ang kanilang relasyon noong December 21, 2018.

Related Chika:
Maine Mendoza 7 taon na sa showbiz: Blessed and forever grateful

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending