Maine Mendoza 7 taon na sa showbiz: Blessed and forever grateful | Bandera

Maine Mendoza 7 taon na sa showbiz: Blessed and forever grateful

Therese Arceo |July 06,2022
facebook
share this

Maine Mendoza 7 taon na sa showbiz: Blessed and forever grateful

Therese Arceo - July 06, 2022 - 06:16 PM

Maine Mendoza 7 taon na sa showbiz: Blessed and forever grateful
SOBRA-SOBRA ang pasasalamat ng Kapuso star na si Maine Mendoza sa kanyang mga blessings na kasalukuyan niyang natatanggap.

Kahapon, July 5, ipinagdiwang ng TV host-actress ang kanyang ika-pitong taon ng pananatili sa mundo ng showbiz.

“7 years today. So blessed and forever grateful to be living this life,” saad ni Maine sa kanyang tweet.

Hindi rin naman nakalimutan ng Kapuso dabarkads na pasalamatan ang lahat ng mga taong sumuporta sa kanya noong nagsisimula palamang siya.

“Before this day ends, I just want to say thank you to everyone who greeted and remembered. Maliit na bagay man sa iba pero malaking bagay sa akin – kaya maraming salamat sayo. Maraming salamat sainyo,” dafdag ni Maine.

Unang nakilala si Maine sa isang video sharing application na “Dubsmash” kung saan sumikat ang mga video niya kung saan ginagaya niya ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Dahil dito ay agad siyang nakilala ng mga netizens dahil mabilis na nag-voral ang kanyang mga videos sa social media.

Nagsimula naman ang showbiz career ni Maine nang maging parte siya ng longest noontime show na “Eat Bulaga” sa segment nitong “Problem Solving” kung saan gumanap siya bilang si Yaya Dub, personal assistant at apo ni Lola Nidora na ginampanan naman ni Wally Bayola.

Mas naging makulay ang kanyang karera nang habang on-air ay nakunan ang kanyang reaksyon noong nakita niya si Alden Richards at dito na nga nagsimula ang kanilang loveteam na “AlDub”.

Talaga namang bunuhos ang suporta ng madlang pipol sa kanilang love team at talagang sinhbaybayan ang dalawa.

Sa katunayan, napuno pa nina Maine at Alden ang buong Philippine Arena sa kanilang episode ng Eat Bulaga ng pagkikita ng dalawa na pinamagatang “Tamang Panahon” noong Oktubre 2015.

Sa ngayon ay aktibo pa rin sa showbiz si Meggay. Parte pa rin siya ng “Eat Bulaga” at napapanood tuwing weekends sa Kapuso sitcom na “Daddy’s Gurl”.

Related Chika:
Maine nag-sorry dahil sa pamba-bash ng netizens, ani Sylvia: Ang habol daw namin ‘yung milyon niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Maine, Arjo imposible na raw magpakasal ngayong 2022 dahil sa pamahiing ‘sukob’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending