Promise ni Arjo Atayde kay Maine after ng MMFF 2024: Wife time na!
IN-ENJOY lang ng actor-public servant na si Congressman Arjo Atayde ang pagkakaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Kaya naman kahit hindi siya nagwaging best actor sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal para sa entry nilang “Topakk” ay tanggap na tanggap niya ang pagkapanalo ni Dennis Trillo para sa pelikulang “Green Bones.”
Ani Arjo, hindi siya nakaramdama ng pressure, “I’m just enjoying. First time ko sa MMFF so sabi ko nga, everything is such an experience. Yung (ma-nominate) best actor, bonus na lang po yun. But it’s very hard to tell because sabi ko nga, I think this MMFF is very diverse.
“Iba’t ibang pelikula, iba’t ibang mensahe, iba’t ibang emosyon ang binibigay sa mga viewers as you see the reviews. And that’s part of the industry and the government,” lahad ng husband ni Maine Mendoza.
Baka Bet Mo: Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!
Dagdag pa ng Internationally-acclaimed actor, “I’m just so happy to see the progression of all the beautiful stories, even Vice (Ganda), even all the other stories, and even The Kingdom of Bossing (Vic Sotto) has evolved into something else. You’ll see all the reviews,” ang pahayag pa ni Arjo sa panayam ng media sa Gabi ng Parangal.
View this post on Instagram
Hindi man siya nanalo, bonus na para sa aktor ang magagandang review sa kanilang pelikula kung saan pinuri nang bonggang-bongga ang kanyang akting bilang sundalong may PTSD (post-traumatic stress disorder). Tinawag pa nga siyang Action King of his generation.
“Well I just try my best. Every role that they give me naman, I just really try my best. I’m not trying to prove anything. I just want to be able to tell a good story at the end of the day.
“I’ve been doing action for a long time so definitely ito lang yung kakaiba. Kasi mula nung umpisa hanggang dulo, we did different things that haven’t been done.
“To be part of this change, to be part of this progression, to be part of the 50th Metro Manila Film Festival is already such a bonus to us. Especially first time din ng producers namin. So everything’s a bonus. Awards, we don’t work for that. We work to tell a story. We’re all storytellers,” aniya.
Pakiusap pa ni Arjo, “Siguro sa lahat ng manonood, ako ay nananawagan, baka puwede niyo panoorin ang Topakk. Bigyan natin ng pagkakataon na bumalik ang iba’t ibang genre, hindi lang action pero ang iba’t ibang pelikula panoorin po natin, tangkilikin natin ang pelikulang Pilipino.
“There’s so much to it. There’s so many great stories out there. Ito ngang Topakk, I am telling you, unahin niyo na po sa inyong listahan dahil oonti lang ang aming sinehan.
“Pero rest assured, you are in the ride of your life dahil ito ay kakaibang action and again, sana mabigyan niyo ng pagkakataon,” aniya pa.
Samanatala, matapos ang super busy schedule niya dahil sa MMFF at sa pagtugon niya sa kanyang mga tungkulin bilang kongresista, babawi naman daw si Arjo kay Maine.
“After this (awards) night, it’s already wife days ahead kasi naka-break pa naman sa Congress and New Year’s is up ahead so I told her after this awards night so to be here, to be with all the actors and producers, everyone here, just to celebrate the MMFF. After this then it’s wife time,” sabi ng aktor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.