Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more...every day! | Bandera

Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

Ervin Santiago |April 25,2022
facebook
share this

Arjo muling ibinandera ang pagmamahal kay Maine: I love you in all ways, more and more…every day!

Ervin Santiago - April 25, 2022 - 01:53 PM

Maine Mendoza at Arjo Atayde

SA gitna ng kanyang kabisihan sa pangangampanya bilang tumatakbong kongresista sa Quezon City, naglalaan pa rin si Arjo Atayde ng panahon para iparamdam ang kanyang pagmamahal kay Maine Mendoza.

Matapos mag-post ang TV host-actress ng litrato nila ng kanyang boyfriend sa social media, si Arjo naman ang nagpahayag ng kanyang saloobin para sa dalaga.

Kahapon, April 24, nagbahagi si Arjo ng mga sweet photos nila ni Maine habang enjoy na enjoy sa gitna ng karagatan na kuha nga sa pagbabakasyon nila sa El Nido, Palawan.

Sa isang litrato ay makikitang hinahalikan pa ni Arjo ang balikat ni Maine habang tila kilig na kilig at tuwang-tuwa naman ang dalaga sa paglalambing sa kanya ng boyfriend.

“I love you in all ways, more and more… every day,” ang short but sweet na mensahe ng award-winning actor para sa kanyang dyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)


Noong December, 2021 ay nag-celebrate sina Maine at Arjo ng kanilang third anniversary bilang couple.

Umaasa naman ang nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez na natagpuan na nga ng anak ang kanyang “forever” sa katauhan ni Maine. Sabi nga ng premayadong aktres excited na siyang magkaapo sa kanyang panganay.

Kamakailan lamang ay sinagot ni Ibyang ang mga nangnenega kay Arjo ngayong pinasok na rin nito ang mundo ng politika. Binuweltahan niya ang mga nagsasabing ginagamit lang daw ng binata si Maine.

“Nanay ako na nasasaktan, mare. Di pwedeng di ako mainis o magalit, di ba? Kasi di naman totoo, eh. Di naman totoo yung sinasabi na ginagamit namin si Maine.

“Hindi pa tumatakbo si Arjo, binato na ‘yan sa anak ko, eh. Pati nga ako, ginagamit ko raw si Maine dahil wala raw kaming mga career. Hindi daw kami sikat,” sey ng aktres.

Sabi ni Sylvia, nag-sorry daw ang dalaga sa kanya dahil sa ginagawa ng ilang fans niya, “Sa totoo lang, hiyang hiya si Maine. Sabi niya, ‘Tita, I’m sorry.’ Sabi ko naman, ‘Maine, hindi ikaw namba-bash, hindi ikaw naninira, at hindi ganu’n ang paniniwala mo samin. So okay na kami du’n. Masaya na kami.’”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala rin daw plano ang aktor na isama si Maine sa pangangampanya, “At doon ako bilib kay Arjo. Alam mo pinoprotektahan talaga ni Arjo si Maine. Sabi talaga ni Arjo, ‘Ayoko siya i-front, ayoko siyang dalhin du’n. Gusto kong manalo dahil si Arjo ako, dahil pinagkatiwalaan ako ng mga tao. Dahil ginusto at minahal ako ng District 1. Hindi dahil ginamit ko si Maine.’”

Maine hinding-hindi gagamitin ni Arjo para manalo sa Eleksyon 2022; ayaw isama sa kampanya

Arjo Atayde ibinandera ang pagmamahal kay Maine Mendoza: Looking forward to celebrating all your birthdays with you!

Maine: Parang lahat po ng ginagawa ko sa buhay ko, kinakabahan ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending