'Kahayupan' video ni Rendon Labador tsinugi sa FB, galit na galit pa rin kina Vice Ganda at Ion Perez | Bandera

‘Kahayupan’ video ni Rendon Labador tsinugi sa FB, galit na galit pa rin kina Vice Ganda at Ion Perez

Ervin Santiago |July 31,2023
facebook
share this

‘Kahayupan’ video ni Rendon Labador tsinugi sa FB, galit na galit pa rin kina Vice Ganda at Ion Perez

Ervin Santiago - July 31, 2023 - 11:42 AM

'Kahayupan' video ni Rendon Labador tsinugi sa FB, galit na galit pa rin kina Vice Ganda at Ion Perez

Rendon Labador, Vice Ganda at Ion Perez

TINANGGAL pala ng Facebook ang video na ipinost ng social media personality na si Rendon Labador kung saan kinastigo niya ang magdyowang Vice Ganda at Ion Perez.

Sa kanyang official FB account, ibinalita ni Rendon na nawala ang kanyang “KAHAYUPAN VIDEO” na naglalaman ng paninita niya sa ginawa niya Ion at Vice sa nakaraang episode ng “It’s showtime”.

Ito yung nagbiruan ang mag-partner sa nasabing programa kung paano sila kumain ng icing sa cake na hindi niya nagustuhan dahil may kabastusan daw ang dating nito lalo part may kasama silang mga bata sa segment na “Isip Bata”.

Pagsisintir ni Rendon sa pag-take down sa kanyang video, “Bakit ang mainstream pwede mag post ng kabastusan? Tapos yung pag sita at pag tatama ng mga mali ay pinipigilan? Facebook Philippines ano ang ngyayari sa Pilipinas?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sana bumalik ang video within 24 hours! hindi ako mag sasawang bumoses para sa taong bayan! #stayMotivated,” aniya pa.

Narito naman ang ipinadalang warning ng FB kay Rendon tungkol sa kanyang video, “Your post goes against our community standards on harassment and bullying. No one else can see your post.

“We have these standards because we want everyone to feel safe, respected and welcome.

“If your content goes against our Community Standards again, your account may be restricted or disabled.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Samantala, muling hinamon ni Rendon si Vice sa tila pananahimik ng TV host-comedian, “May balita na ba kayo? nag tago na yata si Vice.” Kasunod ang hirit  niyang, “Hello, MTRCB!!! nasan na kayo???”

Narito naman ang mga reaksyon ng FB users sa bagong post ni Rendon.

“If this is how a motivational speaker speaks, I’d rather be demotivated. I understand your point but there are appropriate words to correct them.”

“Si super sawsaw, kinakati, malamang sabik din yan na makabayo sya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“May punto nman sinasabi nya kng tutuusin, pero cguro part yon ng strategy nila vice ganda para mas lalo pang pagusapan, part ng business nila, at yng madalas na pagpuna ni rendon sa mga celebrity strategy nya rin yon para sumikat at kumikita sya dun.”

“Nakakain Yan Ng motivational rice na panis Kaya lakas Ng “TAMA” ha ha ha!”

“Si vice ganda, isama mo sa bundok kasama npa, ng isang linggo titino yan at mawawala kababuyan.”

“Dapat lang na punahin Ang mali hindi yong kung ano ano Ang pinagsasabi ninyo.”

“Utak mo aysin mo. Nagpapasikat ka lang.”

“Magkape ka namana uy..para makaramdam ka ng KABA!! Lahat na lang ata eh pinupuna mo na. WAG KANG PERPEKTO HA!! RENDON LABADOR.”

“Wow Ikaw nga pinanganak na d nagamit ung utak hahaha!”

“Ano ba to si Renda tinitira lahat ang bansot, retokadong mayabang, tatay na walang balls, matanda, at ngayon naman bakla.”

“Hala!!Hinde cya nakuntinto Kay Coco Martin, kaya c Vice Ang pinuntirya nya,,Uubra kaya? Sisikat ka kaya rendon?”

“Matagal ng ganyan c meme vice Hindi Nayan bago sa kanya pra ngayon lng kayo sa kanya..ahhh!!!!bxtah napasikat ba tao ganyanin talaga mga kulang sa pansin n meme vice.”

“Go meme vice wag padala kay rendon  nagkakalat lng Yan pra maano Ang name baka hindi kaya ganyan sya sayo. matagal kanang ganyan kahit mga malalaking tao wla ngang Sabi xia pa.”

Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending