Si Rendon Labador ba ang pinatatamaan ni Vice sa hugot na: 'Kung anu-ano na talaga ang ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no? How pathetic'? | Bandera

Si Rendon Labador ba ang pinatatamaan ni Vice sa hugot na: ‘Kung anu-ano na talaga ang ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no? How pathetic’?

Ervin Santiago - July 27, 2023 - 12:01 AM

Si Rendon Labador ba ang pinatatamaan ni Vice sa hugot na: 'Kung anu-ano na talaga ang ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no? How pathetic!'

Rendon Labador, Vice Ganda at Ion Perez

SINO nga kaya ang pinatatamaan at pinariringgan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang mga bagong hugot sa social media?

Kanya-kanyang hula ang mga netizens sa ipinost ng TV host-comedian na may kaugnayan sa mga taong gagawin daw ang lahat para lang sumikat at makakuha ng atensiyon.

Ang buong cryptic post ng TV host-comedian, “Kung ano-ano na talaga ang pinapasok at ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no?”

“Yung kahit magpaka-toxic kakaririn nila basta makaamot lang ng relevance.

“How pathetic! Ang sad! It’s not mothering!” ang patutsada pa ng Phenomenal Box-office Star.

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Walang binanggit na pangalan ang Kapamilya comedian kung sinu-sino ang mga taong tinutukoy niya pero kung babasahing mabuti, mukhang taga-showbiz din ang mga ito dahil nga sa pagkauhaw sa kasikatan.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa Twitter post ni Vice.

“Tapos yung ibang tao ginagawang negosyo ang bawat kaunting isyu para magkaroon ng maraming views at kumita. Ginagawang negosyo yung ganung paraan. Hahaha.”

“Meron din sa STAR MAGIC. At mayroon din matandang chismosa sa TV5 na naninira ng ibang tao para mabilog ang ulo ng mga tao.”

“Maybe it’s easy to forget the struggle when you’re already enjoying the view from the top? Salamat sa lecture.”

“It’s about people intentionally harming others for their benefit – maybe we’d want to re-assess if that is something worth defending? Sometimes it’s not all about being victims of an oppressive system and all that depth, it’s just about being an awful human being.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Stay away from toxicity Vicey, hindi sya nakakaganda. That’s why I’m so proud of u, you’re mothering by doing good things on ur own. How I wish, people can do the same as what u’re doing,  but sadly they can’t, but at least u can’t do the same toxic things like them.”

Baka Bet Mo: Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

“Eto ba yung Rendon? Kasi parang sya yung dinedescribe. Todo papansin and flamebaiting, ang desperado na hahaha!”

“Makakahanap dn yan ng tutumba sa knya  sa dami ng binabangga d nalang magng masaya sa buhay. Ketapang tapang wala naman binatbat yang hinayupak na yn!  Wg m patulan vice at sisikat pa sya. Sakit sa bangs.”

Samantala, marami nga ang nagpapalagay na si Rendon Labador ang pinatatamaan ni Vice sa kanyang tweet matapos mag-post ang social media personality sa Facebook kung saan tinira-tira nito ang komedyante at ang partner nitong si Ion Perez.

Ni-repost ni Rendon ang isang video clip mula sa episode ng “It’s Showtime” sa segment ng “Isip Bata”. Ang inilagay niyang caption, “Wala namang masama na magbaklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata.”

Sa video clip, makikita kung paano kumain sina Vice at Ion ng icing ng cake sa kanilang mga daliri habang nasa harap ang nga batang sina Argus at Kulot.

Sey pa ng motivational speaker, “I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng mga tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega!”

Hirit pa niya, “May MTRCB pa ba? Nag-eexist pa ba sila? Galaw galaw mga boss!!!

“Parang tanga din tong ABS-CBN na ‘to! ang tagal tagal ninyo na sạ industry hindi ninyo pa alam pinaggagawa ninyo! Ayusin nyo ‘yan!!!” hirit pa ni Rendon.

May mga kumampi kay Rendon pero meron ding nagtanggol kina Vice at Ion.

Kylie Padilla may taong pinatatamaan tungkol sa ‘closed mentality’: I regret having you as a memory…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending