Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB | Bandera

Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Therese Arceo |July 26,2023
facebook
share this

Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Therese Arceo - July 26, 2023 - 10:35 PM

Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

MULI na namang tumalak sa social media ang motivational speaker na si Rendon Labador at ang target naman niya ngayon ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang partner nitong si Ion Perez.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang isang video clip na mula sa episode ng “It’s Showtime” kahapon, July 25, sa segment ng “Isip Bata”.

“Wala namang masama na magbaklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata,” saad ni Rendon sa kanyang komento sa video na posted sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Sa naturang video clip ay makikita kung paano kumain sina Vice at Ion ng icing ng cake sa kanilang mga daliri habang nasa haeap nina Argus at Kulot.

Ito ang hindi nagustuhan ni Rendon kaya naman tinawag agad nito ang pansin ng mga”It’s Showtime” hosts.

Sey ng motivational speaker, mas masahol pa raw ang ginawa ng dalawa sa nag-viral na drag performance ni Pura Luka Vega.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng mga tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega!” sabi ni Rendon.

Nanawagan pa nga ito kung ginagawa pa nga ba ng Movie and Television Review Classification Board o MTRCB ang kanilang trabaho.

Pati pa nga ang home network ni Vice na ABS-CBN ay kinuwestiyon rin ni Rendon.

“May MTRCB pa ba? Nag-eexist pa ba sila? Galaw galaw mga boss!!!

“Parang tanga din tong ABS-CBN na ‘to! ang tagal tagal ninyo na sạ industry hindi ninyo pa alam pinaggagawa ninyo! Ayusin nyo ‘yan!!!” hirit pa ni Rendon.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa netizens ang post ng motivational speaker.

“Matagal na kong tutol at hindi sang ayon sa mga panghihimasok mo Rendon pero sa puntong to, nakagawa ka na yata ng tama,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “NASA magulang Yan gabay Ng magulang ay kailngn ,..parental guidance lagi umpisa, Ng mga teleserye , at mga show, Kung Bata dapat panuorin ung rated G good sa Bata ung mga educational.”

“Buti Nman Maganda Side Effect Ng Bitamina Mo Rendon. TUMAMA KA DEN SA WAKAS,” chika ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag naman ng isa pang netizen, “Maling mali talaga sa mga mata ng bata, tapos may mag tatanggol pa dito, saklap naman… Gising mga kababayan hoyyyyyy.”

Related Chika:
Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Rendon Labador ‘pressured’ maging influencer, mas bet na bina-bash: ‘Tanggap kong hindi ako naiintindihan ng lahat’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending