Hirit ni Cristy Fermin: 'Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda' | Bandera

Hirit ni Cristy Fermin: ‘Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda’

Ervin Santiago |February 13,2023
facebook
share this

Hirit ni Cristy Fermin: ‘Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda’

Ervin Santiago - February 13, 2023 - 09:12 AM

Hirit ni Cristy Fermin: 'Matalas na rin ang dila ni Ion Perez, parang sumasabay na kay Vice Ganda'

Ion Perez at Vice Ganda

TRUE kaya na nahawa na raw si Ion Perez sa “asawa” niyang si Vice Ganda sa katalasan ng dila dahil matapang na nga itong sumasagot ngayon sa mga taong pumupuna sa kanya?

Napag-usapan ang tungkol sa isyung ito sa latest episode ng “Showbiz Now Na” ni Nanay Cristy Fermin kasama ang kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Habang pinag-uusapan nila ang TV host-singer at aktres na si Karylle na naging kontrobersyal kamakailan dahil sa pambu-bully umano sa kanya ni Vice sa “It’s Showtime” ay napunta nga sa komedyante at kay Ion ang topic.

Ayon sa tatlong online host, napakabait at super approachable raw talaga si Karylle lalo na sa audience ng kanilang noontime show.

Sey pa ni Nanay Cristy, maraming nagsasabi sa kanya na “insecure” raw talaga si Vice sa mga taong itinuturing niyang “threat” sa kanyang career kaya may mga pagkakataon na nagiging personal na ang kanyang joke.

Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda

Hanggang sa mapunta na nga ang kuwentuhan kay Ion Perez na nagiging matabil na rin ang dila tulad ng kanyang dyowa base na rin sa pakikipagsagutan nito sa mga netizens.

“Si Ion na kung ituring ng ating mga kababayan ay ibong nakatuntong sa ibabaw ng kalabaw, pero ngayon ay umaakto na ring kalabaw,” pahayag ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


“Matalas ang dila ng Ion. Napakatalas ng dila. Matapos niyang sabihin na may nagtanong daw sa kanya, ‘Bakit ka pumatol kay Vice? Bakit sa beki?’

“Anong sagot niya, ‘Alangan namang pakainin ko pamilya ko ng buhangin…’ so aminado siya na comfort, future ang kanyang ano… ‘di ba? Matalas ang dila ng Ion, parang sumasabay na kay Vice,” aniya pa.

Samantala, napag-usapan din nina Nanay Cristy ang tungkol sa hininga ng komedyante na mismong mga kasamahan daw nito sa trabaho ang nagkukuwento.

Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

“Napakalapit sa kanya na nagkuwento sa akin, tutal din lang tinatawag mo kaming tatlo na mga tsismosong chaka, ‘di ba?

“Okay, hindi ka namin papatulan pero may kukuwento kami.Hindi mo kami mapipigil,” sabi ni Nanay Cristy na ibinuking nga ang tungkol sa “lihim” ng hininga ni Vice.

Baling na tanong niya kay Romel Chika, “Ikaw nakasama ka niya. Totoo o hindi?” Sagot ng stand-up comedian, “Eh, may bubble gum siya, eh.”

“Ang sabi niya, ‘Ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyos ko! Kung alam n’yo lang,” ang matapang pang sabi ng online host.

“Huwag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa iyong resibo,” pahabol pa ni Nanay Cristy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Vice at Ion hinggil sa mga pasabog na chika nina Nanay Cristy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending