Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda | Bandera

Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda

Therese Arceo |April 13,2022
facebook
share this

Ion Perez niregaluhan ng massage chair si Vice Ganda

Therese Arceo - April 13, 2022 - 08:38 PM

MARAMI ang humanga sa “It’s Showtime” host na si Ion Perez dahil sa klase ng pagmamahal niya para sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Sa kanyang latest vlog kung saan hindi siya nagtagumpay na makapuslit para mag-motor matapos siyang mahuli ng comedy star.

Sey ni Vice, hindi raw pinapayagan ng doktor si Ion na magmotorsiklo kaya naman todo bawal siya sa pagsakay nito dahil baka may mangyari sa kanyang partner lalo na’t aminado siyang takaw aksidente ito.

Pinili na lang nitong mag-mall kahit na nakasuot siya ng kanyang motocross outfit.

Nang makarating ito ng mall ay dumiretso ito sa shop kung saan siya madalas mamili.

Pumunta rin ito sa shoe shop para mamili ng sapatos.

At habang nasa mall nga si Ion ay naalala niya si Vice Ganda kaya nagdesisyon na siyang tignan at bilhin ang binabalak niyang i-regalo sa kabiyak na nag-celebrate ng kanyang birthday nitong March.

“Ilang taon na ring nagbi-birthday si Meme. Hindi naman siya nagre-request ng gift, basta pagdating sa akin hindi siya nagre-request ng materyal na bagay,” saad ni Ion.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

 

Pero ngayon ay naisipan na niya itong regaluhan ng bagay na kailangan nito lalo na sa tuwing mainit ang ulo ng komedyante.

Pabirong dagdag pa ni Ion, “Alam n’yo naman medyo nagkaka-edad na si Meme. Minsan pag mainit ang ulo, ang gusto niya massage.”

Kinilig naman ang mga netizens at hindi naiwasan ang mapasabi ng “sana all” sa relasyon nina Ion at Vice Ganda.

“Wow how sweet naman kay Meme. Sana all. I am happy for Meme that he found a real person that will truly love him with all honesty. Love you both. Please continue loving ang respecting each other,” comment ng netizen.

Saad naman ng isa pa, “Nakakatuwa na makita si Ion na may pure na pagmamahal para kay Meme. God bless you both.”

May mga netizens rin ang nakapansin na talagang genuine ang pagmamahal ng “It’s Showtime” host kay Vice dahil kahit na hindi humihiling sa kanya ng regalo ang Unkabogable Star ay ibinibigay pa rin nito ang mga bagay na sa tingin niya ay kinakailangan ng kanyang partner.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending