Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko Bandera

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Therese Arceo |April 01,2022
share this

Vice Ganda sinorpresa ng ‘Showtime’ family; Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw ‘yung pipiliin ko

Therese Arceo - April 01, 2022 - 09:59 AM

Vice Ganda sinorpresa ng 'Showtime' family, Ion nangako: Kahit sa kabilang buhay, ikaw 'yung pipiliin ko

NAGDIWANG ng ika-46th birthday ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kahapon, March 31.

Sa kanilang noon time show na “It’s Showtime”, ikinuwento ng kanyang co-hosts ang ilang detalye sa naganap na surprise salubong party para sa TV host-comedian.

Base sa kanilang kwentuhan, si Tiyang Amy ang naging punong abala sa pag-contact at pag-imbita sa mga tao.

Si Ion naman ang naging dakilang “prankster” na magaling umarte dahil napaniwala niya si Vice Ganda na talagang naaksidente at napilayan ito.

Nakatakda kasing pumunta sa isang dinner party ang Unkabogable Star kasama ang iba pang mga kaibigan pero hindi na siya tumuloy matapos malaman ang “nangyari” kay Ion.

“Takaw aksidente kasi yan,” saad ni Vice nang tanungin siya kung hindi siya nagduda na may pinaplanong surprise para sa kanya.

Sinabi naman niya na mapapanood ang lahat ng nangyari sa kanyang vlog kaya hindi na rin sila masyadong nag-usap patungkol rito para ma-excite ang madlang pipol.

Nagbigay naman ng birthday message ang bawat hosts kay Vice na nakagawian na rin nila sa tuwing may nagbi-birthday.

At ang pinakahuli nga na nagbigay ng mensahe ay si Ion, ang lalaking pinakamamahal ni Meme at pinakasalan niya sa Las Vegas noong October 2021.

Bakas ang saya sa mukha ni Vice habang nagbibigay mensahe ang kanyang kabiyak.

“Araw-araw naman niyang naririnig [mula] sa akin ito kasi sa tuwing magdarasal kami, lagi kong ipinagdarasal talaga na bigyan pa kami ng mahabang panahon para magsama,” simula ni Ion.

“At siguro, ang masasabi ko sa ‘yo, babe, paulit-ulit kitang pipiliin. Kahit sa kabilang-buhay, baka ikaw yung piliin ko pa rin.

“Ang maipapangako ko lang, yung buong pusong pagmamahal ko sa ‘yo at tapat.

“Yun lang, babe.Thank you, babe, I love you,” matamis na saad ni Ion.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)

 

Sagot naman ni Vice, “I love you”.

Damang-dama naman ang kilig ng buong “It’s Showtime” family para sa umaapaw na pagmamahal ng dalawa sa isa’t isa.

Hinalikan rin ni Ion si Vice matapos ang pagbibigay niya ng birthday greeting ngunit hindi na ito nakunan pa ng camera.

“Isa pa! Isa pa!” hirit ni Kim sa dalawa pero hindi na siya napagbigyan ng mga ito.

 

Related Chika:
Vice inilihim ang proposal ni Ion: Sobra akong natakot na babuyin lang ng tao itong bagay na napakaganda sa akin

Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending